• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Richard de Leon by Richard de Leon
June 4, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

TVJ at Sparkle logo (Larawan mula sa Manila Bulletin/GMA)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa maiinit na isyung napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ay ang naganap na pagkalas ng TVJ at Eat Bulaga hosts sa TAPE, Inc. noong Mayo 31.

Nabanggit din ni Cristy na aligaga na raw ang TAPE sa paghahanap ng mga bagong host na ipalalabas nila nang live. Batay sa mga kumakalat na tsika, ilan sa mga lumutang na pangalan ay sina Paolo Contis, Archie Alemania, Betong Sumaya, at Kuya Kim Atienza. Maugong din na pasok dito ang umano’y kasintahan ni Cong. Sandro Marcos na si Alexa Miro.

May mga bagong talents din ng Sparkle ang isasalpak din umano sa naturang noontime. Ang Sparkle o Sparkle GMA Artist Center ay talent management ng GMA.

“Ang mga isasalang daw po ay mga artista ng Sparkle ng GMA-7. Iyon daw yung mga kabataang artista ng Sparkle. Ano ang sabi ng ating mga kababayan, ‘yon ba ang sinasabi nilang higit pa sa isang libo’t isang tuwa na ibibigay nila, eh ni hindi nga namin alam kung sino ang isasalang nila,” ani Cristy.

“Puwede kayang maglagay sila ng name plate?” sundot ni Cristy.

Natatawang segunda naman ni Romel, “Parang school lang? Unang araw…”

“Kasi nga po, hindi pa po pamilyar ang ating mga kababayan sa mga artista, sa ibang artista ng Sparkle. Natural lang po na hanapan pa nila ng indibidwalidad ang mga artistang ito,” ani Cristy.

Sa laki ng mga pangalan ng mga umalis na Eat Bulaga hosts na papalitan ng mga bagito, kikinang daw kaya ang mga Sparkle artists? Iyan ang malaking tanong daw na kailangang pakatutukan at pakaabangan.

Mapapanood ito sa YouTube channel ng “Showbiz Now Na.”

Tags: Eat BulagaSparkle
Previous Post

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

Next Post

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Next Post
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Broom Broom Balita

  • Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly
  • Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol
  • Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’
  • F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na
Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

September 26, 2023
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

September 26, 2023
Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na

September 25, 2023
Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

September 25, 2023
Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

September 25, 2023
‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

September 25, 2023
PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

September 25, 2023
Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

September 25, 2023
Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

September 25, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.