• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Indie band ‘Similar Sky,’ unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa larangan ng musika

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
June 4, 2023
in Features, Music, Showbiz atbp.
0
Indie band ‘Similar Sky,’ unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa larangan ng musika

Similar Sky/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Unti-unti nang gumagawa ng sarili nilang pangalan sa larangan ng musika ang indie band na ‘Similar Sky.’

Ang naturang banda na itinatag lamang noong 2019 ay binubuo ng mga miyembro nitong sina Ion Bulawin sa vocals, Hana Joyner bilang lead guitarist, Lyndone Valenzuela sa synths/keys, Karl Santos sa synths/bass, at Matthew De Guzman sa drums.

Pinagsama-sama nila ang kanilang mga talento upang makabuo ng mga awiting akma at tatagos sa puso ng mga tagapakinig.

Ilan lamang sa mga awiting binuo at inawit ng grupo ay ang mga sumisikat na awiting ‘Panandalian,’ na pumupukaw sa damdamin ng mga taong dumaranas ng pagsubok sa kanilang relasyon at ang ‘Di bale na lang,’ na tungkol naman sa isang taong naghihintay ng tamang taong magmamahal sa kanya.

Bukod sa paggawa ng magaganda at nakakaantig ng pusong mga awitin, abala na rin sa ngayon ang Similar Sky sa pagdalo sa iba’t ibang gig at mga pagtatanghal sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ilan sa mga aktibidad na nakahanay sa ngayon para sa Similar Sky ay ang Rakrakan Festival na gaganapin sa Clark Global City sa Pampanga, sa Hunyo 10-11, 2023, kung saan makakasama nila ang mga sikat na mang-aawit at mga banda kabilang sina Kean Cipriano, Rico Blanco, Siakol, Chocolate Factory, Mayonnaise, at marami pang iba.

Kalahok rin naman ang Similar Sky sa mga bandang magtatanghal sa Cast Away Music Festival na gaganapin sa Open Parking D ng SM City Baliwag sa Hunyo 25, kung saan makakasama nila ang mga grupong Silent Sanctuary, Dotty’s World, Leona, at Sandiwa.

Tags: Indie bandSimilar Sky
Previous Post

Mga preso sa Bilibid, bawal munang bisitahin — BuCor

Next Post

Bulkang Kanlaon, 34 beses yumanig–21 rockfall events, naitala sa Mayon

Next Post
Bulkang Kanlaon, 34 beses yumanig–21 rockfall events, naitala sa Mayon

Bulkang Kanlaon, 34 beses yumanig--21 rockfall events, naitala sa Mayon

Broom Broom Balita

  • Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows
  • Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito
  • MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo
  • Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador
  • Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman
Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

September 28, 2023
Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

September 28, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo

September 28, 2023
Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

September 28, 2023
Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

September 28, 2023
Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

September 28, 2023
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

September 27, 2023
Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.