• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Richard de Leon by Richard de Leon
June 4, 2023
in Balita, Features
0
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Screengrab mula sa FB ni Teacher Carla

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi madali ang pagtuturo ng mga aralin at kasanayan sa mga mag-aaral na nasa lower grade kagaya na lamang ng kindergarten; bukod kasi na kailangang maging mahusay na kaagad ang pundasyon, kailangang may extra effort ang mga guro upang mapukaw ang atensyon nila. Dito na papasok ang epektibong classroom routines at classroom management.

Kaya naman, nagdulot ng kasiyahan sa mga netizen ang paraan ng pagtuturo ng gurong si Ma’am Maria Carla Meliza M. Villareal (Teacher Carla), 36, mula sa Malabon City, dahil sa kaniyang mga uri ng palakpak na itinuturo sa mga mag-aaral sa kindergarten ng Malabon Elementary School.

Viral na ang kaniyang 2-minute video na nagpapakita ng iba’t ibang palakpak sa kaniyang Facebook post noong Mayo 30.

“Matuto tayong pumalakpak sa tagumpay ng iba. 👏👏👏 Tanong: Anong palakpak ang paborito nila?” ani Teacher Carla sa caption.

Bagama’t siya lamang ang makikita sa video at ilang mga nakatalikod na mag-aaral, mahihinuhang enjoy na enjoy naman ang pupils niya sa kaniyang itinuturo.

Ilan sa mga ito ay “Jollibee clap,” McDo clap,” “Ang galing clap,” “Pak! Bet! clap,” “Fireworks clap,” “Kris Aquino clap,” “Angel clap,” “Love clap,” “Ang galing galing clap,” “Rainblow clap,” “Coke clap,” “Aling Dionesia clap,” “Frog clap,” “Mosquito clap,” at marami pang iba.

Noong Mayo 31, muling naglabas ng video si Teacher Carla, at sa pagkakataong ito ay nakatayo na silang lahat.

“Thank you po sa mga naka-appreciate sa unang video namin at sa nag-share ng iba pang klase ng clap, ayan na po nakatayo na po kami. Pagbigyan natin sila,” anang guro sa caption ng kaniyang Facebook post.

“Alam naman po nating sobrang init ng panahon ngayon kaya hangga’t kaya po ay less movements kami sa classroom. Ang importante po yung matututunan nila ‘di ba?”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Carla, ang iba’t ibang klase ng palakpak ay ginagawa nila bilang “reward system” lalo na sa tuwing sila ay nakikiisa sa recitation o gawaing pagbasa.

“Ito pong iba’t ibang clap namin na tinuturo ko sa mga bata ay nagsisilbing reward nila everytime nag participate sila sa klase like sa recitation or reading activities namin.”

“Kung sino po yung sumagot, pinapapili ko po siya anong clap ang gusto n’ya then papalakpakan siya ng classmates n’ya. Sa pamamagitan po nito ay mas namomotivate ang bata at lalo sila nag-eengage sa aming klase.”

Siyam na taon na umanong nagtuturo sa kindergarten si Teacher Carla at 12 taon na siya sa pampublikong paaralan.

Tumabo na sa million views ang kaniyang videos, at hangad ng mga netizen na magpatuloy lamang si Teacher Carla sa kaniyang ginagawa sa mga mag-aaral, at nawa ay pamarisan din siya ng iba.

Ikaw, ganito rin ba ang ginagawa noon ng inyong guro sa elementarya?

—

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: clapsclassroom managementkindergartenMalabon Elementary Schoolreward systemTeacher Carla
Previous Post

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Next Post

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

Next Post
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

'Tita lang po ako!' Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng 'disclaimer' sa likod

Broom Broom Balita

  • Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA
  • PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians
  • Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon
  • Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds
  • ₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

September 26, 2023
‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

September 26, 2023
Lacuna sa kaniyang unang SOCA: ‘Dito sa Maynila, walang iniiwan’

Lacuna: 150 Manilenyo, may sariling lupa na!

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.