• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

Richard de Leon by Richard de Leon
June 3, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdez, TVJ< at logo ng TAPE, Inc. (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB page ng Eat Bulaga)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsalita na si GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes hinggil sa kontrobersyal na alitan sa pagitan ng TVJ at iba pang Eat Bulaga Dabarkads hosts na naging dahilan upang tuluyan na silang mag-alsa balutan sa longest running noontime show noong Mayo 31, sa ilalim ng produksyon ng TAPE, Incorporated.

Ayon kay Gozon-Valdez, wala silang kinikilingan sa dalawang panig. Ito raw ay “beyond control” na nila.

“Kung may say control lang tayo, may say lang tayo sa mangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan. ‘Yun ang term nila. Pipigilan natin sila. Susubukan natin gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang sa totoo hands off ang GMA diyan kasi it was an internal issue between TVJ and TAPE, Inc.,” pahayag ng GMA executive sa isang panayam.

“So, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalaman lang namin ang issues kapag lumalabas sa social media, sa newspaper o sa interviews so it wasn’t right for us na makialam.”

Mula simula ay wala raw kinampihan ang GMA sa dalawang panig, bagama’t may existing contract ang TAPE, Inc. sa kanila dahil sa “blocktime agreement.”

“From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko it was their internal issues, it was a corporate issue.”

“Para siguro mas maintindihan ng mga tao ang contract kasi ng GMA is with TAPE. Wala kaming contract with TVJ as talents of or as kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang blocktime agreement.”

“Ang ibig sabihin, umuupa sila ng time slot sa atin sa GMA. Binabayaran nila tayo ng upa at para sila yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday. Kung ano ang laman no’n, wala tayong kinalaman do’n.”

Nasa pinirmahan nilang kontrata na puwede raw magpalit ng hosts o mag-reformat ng show ang TAPE at hindi ito pakikialaman ng GMA.

“In fact, nasa contract nila that they can change hosts, they can reformat and this contract was negotiated by Mr. (Antonio) Tuviera pa ang nag-negotiate no’ng time na ‘yun.”

“We have to honor the contract as long as there is no breach of its provisions. Kasi you know iba ang contract, eh it has legal consequences,” dagdag pa ni Annette.

Kaya naman, sa pag-alis ng TVJ at iba pang hosts ay maugong ang bulong-bulungan na mananatili ang Eat Bulaga sa GMA Network subalit magkakaroon lamang ng panibagong set ng hosts, dahil halos lagas na lagas ang hosts at production team.

Kaya iyan ang inaabangan ngayon ng lahat! Sino-sino ang magiging hosts at panibagong mukha ng EB? Sa aling TV network na mapapanood ang TVJ at iba pang EB Dabarkads na sumamang mag-alsa balutan sa kanila?

Tags: dabarkadsEat BulagaGMA Senior Vice President Annette Gozon-ValdesTAPE IncorporatedTVJ
Previous Post

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Next Post

Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Next Post
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Broom Broom Balita

  • Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan
  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan

Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan

September 27, 2023
Leila de Lima sa paggunita ng Ninoy Aquino Day: ‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy’

Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima

September 27, 2023
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.