Nag-anunsyo ng bagong set ng grant na nagkakahalaga ng P20 milyon ang gobyerno ng Amerika para sa Philippine higher education institutions (HEIs).
May dalawang uri ng grant na ibibigay sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ayon sa embahada nito sa Maynila.
Una ay ang “O2 GAIN Grants,” na tutugon sa mga lokal na prayoridad sa pag-unlad para sa mga out-of-school youth.
Ang isa pa ay ang “O2-ASPIRE Grants,” na susuporta sa partnership ng Philippine at US HEIs sa out-of-school youth advancement.
“The grants will help fund academic research, develop technological solutions, and enhance the quality of services for out-of-school youth,” sabi ng US Embassy sa Manila nitong Biyernes.
Inanunsyo ni USAID Mission Director Ryan Washburn ang mga bagong gawad sa programa ng Opportunity 2.0 na Higher Education Learning Summit sa Quezon City bago ang pagtitipon ng humigit-kumulang 200 kasosyo ng USAID mula sa buong Pilipinas.
“Working together, we have been able to make progress and open doors for thousands of out-of-school youth to better education, employment, and entrepreneurship opportunities,” aniya.
Ang mga interesadong aplikante ng grant ay maaaring makipag-ugnayan sa [email protected] o sundan ang Facebook account ng USAID Opportunity 2.0 program (https://www.facebook.com/USAIDOpportunity2.0) at LinkedIn (https://www.linkedin.com/company/usaid- opportunity-2-0/) para sa mga update at karagdagang impormasyon.
Joseph Pedrajas