• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

MJ Salcedo by MJ Salcedo
June 1, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

(Larawan mula sa FB ng Eat Bulaga)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.”

Naglabas na ng pahayag ang TAPE, Inc., nitong Huwebes, Hunyo 1, hinggil sa naging pagkalas nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) dito.

Sa pamamagitan ng isang press statement na inilabas sa Instagram story ni Seth Jalosjos, ang Director for Finance ng TAPE Inc., ipinahayag ng pamilya Jalosjos na nalulungkot sila sa nangyari nitong Miyerkules, Mayo 31, kung saan inanunsyo ng TVJ sa pamamagitan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ang kanilang pagkalas sa TAPE, Inc. 

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Gayunpaman, nirerespeto raw nila ang naging desisyon ng hosts na lisanin ang Eat Bulaga at GMA Network na naging tahanan daw nila sa loob ng 28 na taon.

“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew and loyal viewers,” anang TAPE, Inc.

“We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino,” dagdag nito.

Sinisiguro rin umano ng TAPE, Inc. na “committed” sila sa pagbibigay ng “quality entertainment” sa publiko at supporters ng programa.

“It is unfortunate but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino,” anang TAPE, Inc.

“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.

Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo,” saad pa nito.

Nakapirma rin sa naturang press statement ang Pangulo at CEO ng Tape Inc. na si Romeo Jalosjos Jr.

Previous Post

Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Next Post

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

Next Post
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.