• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’

Balita Online by Balita Online
June 1, 2023
in Balita, National / Metro
0

(Presidential Photo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“There’s more to it than meets the eye.”

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbibitiw ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Bagama’t hindi miyembro ng partido ng Lakas-CMD matapos niyang manatili sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ipinahayag ng dating Pangulo ang kaniyang dalawang sentimo sa kung ano ang nasa likod ng desisyon ng kaniyang anak para umalis sa partido kung saan siya nanalo bilang bise presidente.

“From the looks of it, parang hindi nagustuhan ni Sara, ni Inday, ‘yung ginawa nila kay [former] President Arroyo,” ani PRRD  sa isang panayam kasama si Pastor Apollo Quiboloy sa SMNI news channel.

“But for her to take the extreme step of resigning, mukhang malalim ang (dahilan) niya. There’s more to it than meets the eye ika nga. Parang ganun,” dagdag niya.

Noong nakaraang buwan, nagbitiw si VP Duterte sa kaniyang posisyon bilang chairperson at miyembro ng Lakas-CMD.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD

Si House Speaker Martin Romualdez ang presidente ng partido at si dating pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo ang chairman emeritus nito.

Nanatili namang tahimik si VP Duterte tungkol sa kaniyang mga dahilan ng pag-alis sa partido sa kabila ng pananatili ni Arroyo bilang chairman-emeritus.

Matatandaang tumayo si Arroyo bilang isa sa mga arkitekto ng UniTeam ticket, kung saan marami ang naniniwalang ang kaniyang impluwensya ang nagkumbinsi umano kay VP Duterte na tumakbo bilang bise presidente at ipaubaya sa kaniyang kapatid ang karera ng pagiging alkalde ng Davao.

Sinabi ni PRRD na ang kaniyang anak na babae ay hindi kailanman talagang naging “close” kay Arroyo, ngunit ang kanilang oras na magkasama sa panahon ng kampanya ay maaari umanong nakapukaw kay VP Duterte upang manindigan para kay Arroyo.

“Hindi naman ‘yan sila close actually. Pero nung nagsama sila, she won under that banner (Lakas-CMD), mukhang she might have felt also an obligation as a party member to just come out openly,” saad ni PRRD.

Raymund Antonio

Tags: dating Pangulong Rodrigo DuterteVice President Sara Duterte
Previous Post

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Next Post

‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

Next Post
‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

'Tahimik lang!' Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.