• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028

Balita Online by Balita Online
June 1, 2023
in Balita, National / Metro
0

President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. (Ali Vicoy/MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na target ng gobyerno ang 97.55% rice sufficiency rate para sa Pilipinas sa limang taon.

Sinabi ito ni Marcos kasunod ng kaniyang pag-apruba sa Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) nitong Miyerkules, Mayo 31.

Sa isang panayam kasunod ng rice industry convergence meeting sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na ang MRIDP ay isang magandang roadmap ngunit maraming bagay ang maaaring mangyari habang nagsusumikap ang bansa na makamit ang nasabing rice self-sufficiency target.

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi 100% ang kanilang target rate.

“I don’t think you have to be 100 percent because there’s a… But I think 97.5 I think is a good enough number. Masasabi naman natin na,” ani Marcos.

“You do not have to really go to 100 percent kasi ‘yung three percent iba yung mga niche products. Yung mga organic, special na grain, Japanese rice, mga ganoon,” dagdag niya.

Hinikayat ni Marcos, na nagsisilbi rin bilang Kalihim ng Agrikultura, ang mga stakeholder na manatili sa roadmap na inilarawan niya bilang isang “magandang plano” na maaaring magbigay-daan umano sa sektor ng agrikultura upang malampasan ang anumang mga hadlang na naghihintay sa hinaharap.

Kasabay nito, nagpahayag ng tuwa ang Pangulo sa pagsasagawa ng convergence meeting upang mapakinggan ang ibang mga mungkahi at presentasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na sa pagpupulong, binaybay ni Marcos ang mga hakbang na maaaring makatulong sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura, pagpapataas ng produktibidad at pag-angat sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang convergence, pagtatatag ng mas maraming kooperatiba, pag-adopt ng mekanisasyon at mga bagong teknolohiya, at digitalization.

“Let’s make it as easy for them as possible and make it as attractive as possible for younger people. Digitalization, I think, is going to be part of that,” ani Marcos.

Nasa 2.58 milyong magsasaka mula sa 7.46 milyon na nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang nakikibahagi sa pagtatanim ng palay.

Ang limang pinakamataas na rehiyong gumagawa ng bigas noong 2022 ay ang Gitnang Luzon na may 3.62 milyong metriko tonelada (MMT); Cagayan Valley, 2.93 MMT; Kanlurang Visayas, 2.32 MMT; Ilocos Region, 1.96 MMT; at Bicol Region, 1.33 MMT.

Argyll Cyrus Geducos

Tags: Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP)Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr
Previous Post

Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

Next Post

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Next Post
Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Ruby Rodriguez: 'Eat bulaga will forever be a part of me'

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.