Mahigit 400 estudyante ang nagtapos ng kanilang technical-vocational trainings sa Mandaluyong City.
Mismong si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. ang nanguna sa simpleng graduation rites para sa nasa mahigit sa 400 tech-voc students ng Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Training Center na ginanap sa Mandaluyong City Hall nitong Miyerkules.
Sa kaniyang mensahe, masayang binati at pinasalamatan ni Mayor Abalos ang mga nagsipagtapos dahil sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap, at tiyaga sa pagkumpleto ng pagsasanay na ito.
Idinagdag pa ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan o trainings gaya ng mga kursong ibinibigay ng MMTVTC para makatulong sa kanilang pag-unlad sa hinaharap.
Nabatid na ang mga nagtapos ay mula sa 16 na iba’t ibang kurso, kabilang dito ay ang ref and aircon servicing, automotive servicing, basic computer literacy, bread and pastry production, housekeeping, electrical installation maintenance, food processing, shielding metal arc welding, massage therapy at iba pa.