• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

Richard de Leon by Richard de Leon
May 31, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

RK Bagatsing at Charo Santos-Concio (Larawan mula sa FB page ng FPJ's Batang Quiapo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Maraming humahanga at the same time nanghihinayang na wala na ang karakter ni RK Bagatsing sa inaabangang action-drama series gabi-gabi na “FPJ’s Batang Quiapo” matapos makasagupa si Tanggol (Coco Martin) at saktan ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang lola na ginagampanan ng dating ABS-CBN President na si Ma’am Charo Santos-Concio.

Trending ang naturang eksena at nakapagtala rin ng mahigit 300k concurrent views sa Kapamilya Online Live, na mas mataas pa sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noon.

Sana raw hindi pa pinatay ang karakter ni RK sa serye dahil mahusay siyang kontrabida, na unang pinanggigilan sa patok din na revenge-themed series na “Wildflower” noong 2017 na pinagbidahan ng dating Kapamilya star na si Maja Salvador.

Nagpasalamat ang Dreamscape Entertainment sa maikli ngunit markadong pagganap ni RK sa serye, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.

“Maraming salamat, Mr. RK Bagatsing sa napakahusay at di-matatawarang pagganap sa FPJ’s Batang Quiapo. PAALAM, GREG,” ayon sa caption.

Biro pa ng mga netizen at avid BQ viewers, kaya raw tinegi na si RK dahil sinaktan niya sa eksena si Ma’am Charo.

“Kung di mo sinaktan si Mam Charo, eh di sana buhay pa character mo!”

“Sinampal ba naman si Ma’am Charo ehh nag last day tuloy ahahaha. What a great character portrayal! Will always be a fan of RK!”

“Sinampal niya si Lola Tindeng. Nagalit si Tanggol kaya ayun tinuluyan niya 😢. A good job from RK Bagatsing as Greg.”

“Bat mo naman kasi sinampal si Ma’am Charo Greg? Tapos talaga character mo dyan hahahaha.”

Hindi nagtagal ang karakter ni RK sa BQ dahil magiging abala na umano siya sa next project, at mukhang makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Jane Oineza.

Tags: FPJ's Batang QuiapoRK Bagatsing
Previous Post

‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!

Next Post

Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Next Post
Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Noong una 'no comment' pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.