• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Balita Online by Balita Online
May 31, 2023
in Balita, National / Metro
0
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Eksaktong 2:33 ng madaling araw ng Mayo 31, 2023, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang Maharlika Investment Fund Bill of 2023.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga kapwa senador mula sa mayorya at minorya para sa mga amendment na kanilang inihain, sama-sama nating nagawa ang isang panukalang batas na pakikinabangan ng husto ng mga Pilipino,” sabi ni Villar.

Umabot ng 12 oras ang Period of Amendments para sa Maharlika Bill bago ito naipasa sa ikatlong pagbasa na may 19 na pabor, 1 hindi pabor, at 1 hindi bumoto.

“Isinulong natin ang panukalang batas na ito hindi lamang para sa positibong maidudulot nito sa ekonomiya, ngunit higit upang malutas ang lumalalang problema sa kahirapan at kawalan ng trabaho. Ayon sa ating mga economic manager, inaasahang makapagbibigay ng 350,000 na mga trabaho ang Maharlika,” paliwanag ni Villar.

Kapag naging batas na ito, lilikha ito ng kauna-unahang sovereign investment fund ng bansa.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagpasa ng Maharlika Investment Fund Act sa ikatlong pagbasa. Ang pagtatatag ng sovereign wealth fund ay makatutulong sa pag-unlad ng bansa at lilikha ng mga pagkakataon para sa isang mas magandang kinabukasan para sa lahat ng Pilipino. Nagpapasalamat din ako sa suporta ng mga kapwa ko senador at naniniwala ako na malaki ang pakinabang ng batas na ito sa ating bansa,” ani Villar.

Magpupulong ngayon ang mga representante ng Kamara at Senado para sa Bicam conference ng Maharlika bill.

Tags: Maharlika Investment Fund BillSenador Mark Villar
Previous Post

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Next Post

Alden Richards, pangarap maging daddy

Next Post
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

Broom Broom Balita

  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
  • Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.