• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 31, 2023
in National / Metro
0
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Mayroon nang health super hero ang lungsod ng Maynila, sa katauhan ni “Kapitan Ligtas.”
 
Nabatid na si Kapitan Ligtas ang siyang nangungunang tagapagpakalat ng mga tama at mahahalagang impormasyon ng Manila Health Department (MHD) tungkol sa serbisyong  pangkalusugan, gayundin sa lahat ng libreng serbisyo na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa kanyang mga residente. 
 
Kamakailan lamang ay dumalaw si ‘Kapitan Ligtas’ sa ‘Capital Report’ ni Mayor Honey Lacuna at ibinahagi ang pinakahuling hakbang na ginawa ng MHD para matiyak ang kalusugan ng mga residente.
 
Suot ang kanyang pulang kapa na nakataklob sa puting pang-ilalim na shirt at pulang maskara, sinabi ni Kapitan Ligtas na ang kanyang trabaho ay magbigay ng kailangang impormasyon kaugnay ng mga umiiral na sakit na banta sa kalusugan ng mga residente at kung paano iiwasan ang mga ito. 
 
Bukod dito, nagbibigay rin siya ny impormasyon at update sa mga serbisyong medikal na makukuha ng mga residente ng libre at walang bayad. 
 
Sa nasabing capital report, sinabi niya kay Lacuna na may tatlong health centers na ang malapit ng maging  ‘super health centers’ dahil nagsimula na ang konstruksyon nito.
 
Kabilang sa mga naturang health centers ay ang sa Pedro Gil, Lanuza at San Sebastian. 
 
Samantala ang Tayabas, Aurora at Mendoza Health Centers naman ay dinemolished upang bigyang daan ang pagbabago nito. 
 
Maliban sa infrastructure program ng MHD, sinabi ni Kapitan Ligtas na ang departamento ay magpapalakas din ng kanilang manpower services habang sa kasalukuyan ay mayroong mga doktor at nurses na available 44 health centers ng lungsod at sapat naman ang mga tauhan dito, ang hiring ny doktors at nurses ay nagpapatuloy.
 
Sa pagtatanong ni Lacuna, nabatid na mayroong tatlong karagdagang serbisyong medikal sa mga health centers maliban sa consultation, vaccination, checkup at pre-natal.
 
Ito ay ang clinical laboratory testing para fasting blood sugar (FBS), complete blood count (CBC), urinalysis at iba pa, electrocardiogram o  ECG at ultrasound para sa mga buntis. 
 
Kaugnay nito, nanawagan si Lacuna sa lahat ng Manilenyo na gamitin ang health centers na nakakalat sa anim na distrito ng Maynila para sa libreng basic health services.
 
Nangako naman si Kapitan Ligtas na ipagpapatuloy ang pag-iikot sa lungsod upang magbigay ng mga impormasyon sa iba’t-ibang uri ng sakit na banta sa pamayanan at kung paano ito maiiwasan at kung ano ang gagawin sakaling magkasit. 
 
Ang MHD ay pinamumunuan ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.
Tags: Kapitan LigtasManila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

Next Post

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Next Post
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Broom Broom Balita

  • Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan
  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan

Ginawa ni Kathryn sa isang lalaking fan na inakyat siya sa stage, usap-usapan

September 27, 2023
Leila de Lima sa paggunita ng Ninoy Aquino Day: ‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy’

Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima

September 27, 2023
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.