• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Joey de Leon sa pagkalas sa TAPE, INC: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
June 2, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Joey de Leon sa pagkalas sa TAPE, INC: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

photo courtesy of Joey de Leon/IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Tila nilinaw ni Joey de Leon na hindi umano tuluyang mamamaalam ang longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” matapos ang kanilang opisyal na pahayag nina Tito Sotto at Vic Sotto nitong Miyerkules hinggil sa kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE Incorporated, na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.
 
Batay sa kanilang emosyunal na pahayag kanina, hindi umano sila pinayagan ng management na magsagawa ng live na programa kaya taped ang umere kanina.

Dito ay inanunsyo na nila ang kanilang pagkalas sa TAPE, Inc. epektibo ngayong Miyerkules, Mayo 31. Punumpuno ng pasasalamat ang kanilang pahayag. Pinasalamatan nila ang kanilang tatlong naging tahanan, ang RPN 9, ABS-CBN, at GMA Network gayundin ang kanilang advertisers, at siyempre, ang kanilang mga giliw na Dabarkads at manonood na walang sawang tumangkilik sa kanila, sa loob ng 40 taon.

Mababasa rin sa kanilang opisyal na Facebook page ang buong makabagbag-damdaming pahayag.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/05/31/whats-next-tvj-emosyunal-na-nagpaalam-kumalas-na-sa-tape-inc/

Sa isang Instagram post, sinabi ni Joey na hindi raw sila tuluyang “mag-sign off” bagkus ay “day off” lang daw nila.

“We’re not signing off … we are just taking a day off!” anang Eat Bulaga host kalakip ang video ng kanilang pamamaalam.

screenshot mula sa IG post ni Joey de Leon

Dumagsa ang mga iba’t ibang reaksyon at damdamin ng netizens sa nasabing post ni JDL. 

“TV viewing will never be the same without you guys. Please be back! Kayo na lang ang constant sa television-viewing ngayon. Wag nyo naman iwan mga tagahanga nyo na sabay sabay na tumanda sa panonood ng Eat Bulaga.”

“kakapit kami sa sinabi mo dati, hanggat may bata may #EatBulaga kaya Pinas wag kayong mahiya magpadami 🤭”

“When i moved here in the States year 2000, kayo ang na miss ko but GMA pinoy tv made it possible na mapanood ko kayo dito, after work kayo ang pang pa relax ko, i never miss a show kasi naka record lahat so anytime pinapanood ko kayo! It will never be the same😔but God has a better plan for you all!!🙏🏻🙏🏻HANGGANG SA MULI!!❤️❤️❤️”

“Hindi na masarap mananghalian kapag wala ang eat bulaga… kayo ang sahog na nagpapasarap sa pagkain sa tanghalian kuya joey boss vic tito sen”

“Yessss! Kahit saan po kayo pumunta, kasama nyo kaming mga solid dabarkads. God Bless you TVJ”

“TVJ is Eat Bulaga. Eat Bulaga is TVJ. Always was. Always will be. No legal documents can deny that FACT.”

“WE LOVE YOU PO!!! 12nn will never be the same without #eatbulaga”

“Kahit saan po kayo mapadpad sasama kami!!!!”

Samantala, nakaabang na ang lahat sa susunod na mga hakbang ng TVJ hinggil sa Eat Bulaga. Malakas kasi ang bulong-bulungang matutuloy ang paglipat nila sa TV5, at ang ilalagay sa noontime slot daw ay ang “Wowowin” ni Willie Revillame, subalit tikom pa ang bibig ng iba’t ibang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ito.

MAKI-BALITA: ‘Rigodon sa noontime?’ Eat Bulaga, tuloy na raw sa paglipat, Wowowin may pasabog sa Hunyo

Tags: Eat Bulagajoey de leonTape Inc.tito sottovic sotto
Previous Post

Sunog sa Mandaluyong, isa, patay

Next Post

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Next Post
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, 'di gagamitin sa Maharlika Investment Fund -- Marcos

Broom Broom Balita

  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.