• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash

Richard de Leon by Richard de Leon
May 28, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash

Xander Arizala at Makagwapo (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos pagpiyestahan sa social media ang naging binyag ng anak hanggang sa kontrobersyal na sagutan nila ng kapwa social media personality na si Christian Merck Grey alyas “Makagwapo” tungkol sa ipinangako nitong ₱349,000 para sa anak, dumating na sa puntong nagdesisyon ang huli na pagbigyan na siya at ibigay na rito ang cash.

Alang-alang daw sa kapakanan ng inosenteng bata na nadadamay na sa isyu, ibibigay na ni Makagwapo ang hinihingi sa kaniya ng social media personality at dating miyembro ng Hasht5.

Pero paglilinaw ni Makagwapo, hindi niya talaga sinabing tototohanin niya ang naturang usapan, na noong una ay biru-biruan lamang at hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander.

Dumating na nga sa puntong humingi na ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si AwitGamer.

Isa pa, “naiingayan” na raw si Makagwapo kay Marlou/Xander dahil sa panay parinig nito sa social media.

“Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na ‘to, oh sige na Marlou, papaubaya na ‘ko… ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou! Kahit hindi niya ako inimbita (sa binyag ng anak) para lang matapos na ‘to, kasi nadadamay na yung bata, ibibigay ko na yung ₱349,000 na sinasabi mo Marlou…” ani Makagwapo.

BASAHIN: Ninong serye: Makagwapo, ibibigay na raw ang ₱349k kay Xander Arizala

Ngunit sa latest FB videos ni Marlou/Xander, tila hindi pa nagpupunta si Makagwapo sa kanilang bahay upang i-abot nang personal ang pera.

“Sa mga taong galit na galit sa akin ngayon dahil mukha raw akong pera, pasensya na kayo. Sa hirap ng buhay ngayon, eh kailangan talaga ng tao ng pera,” paliwanag ni Xander.

Samantala, tawang-tawa naman si Makagwapo kay Xander dahil ngayon lamang daw siya nakakita ng isang taong siya na nga may kailangan, siya pa ang may ganang mang-abala ng kapwa, ayon sa kaniyang Facebook video.

Tags: MakagwapoXander Arizala
Previous Post

Reaksiyon ni Chavit matapos matanong tungkol kay Yen, usap-usapan

Next Post

PBBM, VP Sara dumalo sa grand launching ng Pier 88 sa Cebu

Next Post

PBBM, VP Sara dumalo sa grand launching ng Pier 88 sa Cebu

Broom Broom Balita

  • ‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’
  • Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente
  • Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca
  • Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA
  • PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.