• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

MJ Salcedo by MJ Salcedo
May 27, 2023
in Balita, National
0
VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

Photo courtesy: VP Sara FB page

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinangunahan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang paglulunsad ng programa ng Office of the Vice President (OVP) na “PagbaBAGo Campaign: A Million Learners and Trees” na naglalayon umanong pagkalooban ang isang milyong kabataan ng mga kagamitan sa pag-aaral at dental kits.

Sa isang post ng opisyal na page ni Duterte, ibinahagi niyang inilunsad ang nasabing programa sa Cebu City at iba’t ibang OVP satellite offices sa mga lalawigan ng Davao, Zamboanga, Surigao, Tacloban, Bacolod, Dagupan, Rehiyon V, BARRM, at Isabela, maging sa extension office nito sa Lipa, Batangas.

Katuwang naman umano ng OVP sa inisyatibo na naglalayong mabigyan ang isang milyong kabataan sa buong bansa ng learning materials at dental kits na laman ng mga ipamamahaging PagbaBAGo bags ang DepEd at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Kasama din sa ating adbokasiya ang pukawin ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay ngayon at sa ating kinabukasan sa pagtatanim ng iba’t ibang mga puno o tree planting activity,” ani Duterte.

“Hudyat ito ng simula ng ating kampanya para pangalagaan ang ating kalikasan at paghandaan ang epekto ng climate change sa ating mga komunidad,” dagdag niya.

Bilang kalihim ng Department of Education, nanawagan din si Duterte na unahin umano ng bawat isa ang pagpapahalaga ng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino at “mailayo sila sa kriminalidad, ilegal na droga, at insurhensiya upang matupad nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.”

Sinimulan ni Duterte ang PagbaBAGo Campaign sa Davao City noong alkalde pa siya ng lungsod.

Previous Post

Smuggled frozen fish, kinumpiska ng DA, PNP sa cold storage facility sa Navotas

Next Post

Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

Next Post
Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category

Broom Broom Balita

  • Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling
  • ‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’
  • Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente
  • Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca
  • Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.