• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Super Typhoon Mawar, nakapasok na sa PAR

MJ Salcedo by MJ Salcedo
May 27, 2023
in Balita, National
0
Super Typhoon Mawar, nakapasok na sa PAR

Courtesy: PAGASA

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang super typhoon Mawar at tinawag sa lokal nitong pangalan na “Betty” nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nakapasok ang super typhoon Betty sa PAR bandang 2:00 ng madaling araw.

Namataan umano ang mata ng bagyo 1,320 kilometro ang layo sa silangan ng Gitnang Luzon na may maximum sustained winds na 195 kilometer per hour at pagbugsong 240 kilometer per hour.

Sa isang public weather forecast kaninang umaga, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja na hindi pa direktang maapektuhan ang bansa ng bagyong Betty. 

Ang mga pag-ulan naman na maaring maranasan sa kasalukuyan ay dulot umano ng hanging habagat.

Ayon kay Estareja, lubos na lalapit sa kalupaan ang super typhoon Betty pagsapit ng Lunes, Mayo 29, hanggang Miyerkules, Mayo 31, partikular na sa Batanes at Babuyan Islands bandang 250 hanggang 300 kilometrong layo sa mata ng bagyo. 

Kapag lumapit umano ang 500 hanggang 600 kilometro na radius ng super typhooon Betty sa malaking bahagi ng Northern Luzon simula sa Linggo, Mayo 28, hanggang sa Miyerkules, posibleng makaranas at mahagip ng malalakas na hangin at malakas na ulan ang malaking bahagi ng Cagayan Valley, hilagang bahagi ng Aurora, hilaga at silangang bahagi ng Cordillera Region, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Kasabay nito ay magdadala naman umano ng pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao mula Lunes hanggang Miyerkules.

Ayon din sa PAGASA, sa Huwebes, Hunyo 1, pa lamang naman lalayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo at bahagyang hihina pa hanggang sa pagsapit ng Biyernes, Hunyo 2, hanggang sa makalabas na ito sa PAR.

Previous Post

Super typhoon Mawar, bahagyang humina — PAGASA

Next Post

Anak nina Manny at Jinkee kabogera sa prom; mala-prinsesa ang ganda

Next Post
Anak nina Manny at Jinkee kabogera sa prom; mala-prinsesa ang ganda

Anak nina Manny at Jinkee kabogera sa prom; mala-prinsesa ang ganda

Broom Broom Balita

  • Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13
  • Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas
  • Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month
  • Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’
  • DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

June 10, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

June 10, 2023
4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

June 10, 2023
Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

June 10, 2023
‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.