• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Heat index sa Juban, Sorsogon, pumalo sa 50°C

MJ Salcedo by MJ Salcedo
May 27, 2023
in Balita, National
0

Courtesy: DOST-PAGASA

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naitala sa Juban, Sorsogon ang heat index na 50°C nitong Sabado, Mayo 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naranasan ng Juban ang “dangerous” heat index na 50°C bandang 3:00 ng hapon kanina.

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Bukod sa Juban, Sorsogon ay nagkaroon din umano ng ‘dangerous’ heat index nitong Sabado sa mga sumusunod:

  1. Borongan, Eastern Samar (44°C)
  2. Dagupan City, Pangasinan (43°C)
  3. Iba, Zambales (43°C)
  4. Legazpi City, Albay (42°C)
  5. NAIA Pasay City, Metro Manila (42°C)
  6. Sinait, Ilocos Sur (42°C).

Noong Mayo 24, naitala sa San Jose, Occidental Mindoro ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon matapos makaranas ang lugar ng “extremely dangerous” na 53°C.

Matatandaang, dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

MAKI-BALITA: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

Dahil din sa init ng panahon ay binigyang-diin kamakailan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na kinakailangan nang ibalik ang school calendar sa dati, kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo, para umano sa kaligtasan ng mga estudyante.

MAKI-BALITA: ‘School calendar, kailangan nang maibalik agad sa dati’ – house leader

 

Previous Post

Mga overseas jobseeker, binalaan ng BI vs paggamit ng pekeng dokumento

Next Post

Pope Francis, bumalik na sa trabaho matapos gumaling sa lagnat

Next Post
Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyon ng Turkey, Syria dahil sa lindol

Pope Francis, bumalik na sa trabaho matapos gumaling sa lagnat

Broom Broom Balita

  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
Leila de Lima sa paggunita ng Ninoy Aquino Day: ‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy’

Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima

September 27, 2023
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.