• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Maynila, unang lungsod na naka-100% sa measles-rubella vax sa NCR

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 26, 2023
in Balita, National / Metro
0
Mayor Isko: Home quarantine sa Maynila, bawal na ulit

(FILE PHOTO/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang Maynila ang nakapagtala ng rekord bilang unang lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakaabot ng 100% sa measles-rubella vaccination sa ilalim ng ‘Chikiting Ligtas 2023’ nationwide supplemental immunization campaign.

Kaugnay nito, binati at pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng city personnel, lalo na ang mga taga-Manila Health Department sa pamumuno ni chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, na tumulong sa kolaboratibong hakbang na nagresulta sa pangunguna ng  Maynila sa listahan ng mga  local government units (LGUs) bilang pinakamaraming batang nabakunahan laban sa measles, rubella at polio sa pinakamaagang panahon.

Sa ‘MACHRA’s Balitaan’ forum na ginawa ng Manila City Hall Reporters’ Association noong Lunes ng umaga, sinabi ni Pangan na ang Manila LGU ay nakapagtala na ng 97% na nabakunahan sa kaso ng measles at rubella at 92% sa polio.

Nagpahayag din siya ng tiwala na maaabot nila ang 100% target sa loob ng linggong ito mula noong Lunes, at napatunayan naman  tama siya.

Ang nasabing immunization drive ay palaging itinutulak ni Lacuna mismo kasama si Pangan kung saan maging ang lahat 44 health centers at anim na city-run hospitals  ay imo-mobilized at utilized para ang lahat ng mga batang kwalipikado na makatanggap ng free immunization ay mabilis na maturukan.

Si Lacuna, na isa ring doktor ay binigyang diin na ang nasabing sakit ay mayroong life-altering effects sa mga batang dinapuan nito sampu sa kanilang pamilya.

Nabatid na hanggang Mayo 25, 2023, may kabuuang 102.24 percent o 151,077 bata ang nabakunahan na kontra rubella habang 96.93% o 167,833 ang nabigyan ng oral polio vaccine.

Inulat ni Pangan na ang pangunguna ng Maynila sa nationwide immunization drive ay base sa “CY 2023 Measles Rubella Supplemental Immunization Activity Accomplishment Report.’

Ipinapakita nito na ang kabuuang percentage ng mga nabakunahang bata sa Maynila ay umabot na ng  100.86% mula sa 147,771 target na eligible population (9-59 months old), ang kabuuang bata na nabakunahan ay umabot na ng 149,043.

Para sa tagumpay ng programa, binigyang kredito ni Pangan ang mga empleyado  ng MHD, barangay officials sa pamumuno ng  Liga ng mga Barangay President Lei Lacuna at Manila Barangay Bureau director Boroboy Santiago dahil sa kanilang suporta upang matiyak ang tagumpay ng hakbang ng pamahalaang lungsod na mabakunahan ang mas maraming bata sa maikling panahon.

Ang “Chikiting Ligtas 2023: Join the Big Catch Up, Magpabakuna para sa Healthy Pilipinas!,” ay inilunsad bilang obserbasyon ng World Immunization Week (WIW) noong April 2023 ng Department of Health (DOH), kasama ang mga developmental partners United Nations Children’s Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO).

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

Comelec, ready na para sa Barangay, SK elections sa Oktubre

Next Post

‘Tong Lolang ‘to ayaw paawat!’ OPM icon Lani Misalucha, 53, kabogera sa latest photos

Next Post
‘Tong Lolang ‘to ayaw paawat!’ OPM icon Lani Misalucha, 53, kabogera sa latest photos

‘Tong Lolang ‘to ayaw paawat!’ OPM icon Lani Misalucha, 53, kabogera sa latest photos

Broom Broom Balita

  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
  • Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax
  • ‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR
  • ‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.