• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Hirit na total deployment ban ng OFWs sa Kuwait, tinanggihan ni Marcos

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 26, 2023
in Balita, National
0
Hirit na total deployment ban ng OFWs sa Kuwait, tinanggihan ni Marcos

(PNA)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panawagan ni Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas na magpatupad ng total deployment ban ng mga overseas Filipino worker (OFW) kasunod na rin ng ipinaiiral na work visa suspension sa Kuwait.

Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO), idinahilan ng Pangulo na patuloy ang pakikipag-usap ng gobyerno sa mga Kuwaiti official hinggil sa kanilang desisyong hindi na na maglalabas ng work visa sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa lugar.

Isinapubliko ng Pangulo ang kanyang hakbang sa panayam ng mga mamamahayag sa 125th founding anniversary ng Philippine Navy sa Maynila nitong Biyernes.

“It’s their country. Those are their rules. So, we will just leave that issue open and hopefully we will continue to negotiate with them. We will continue to consult with them at baka sakali, down the road ay magbago ang sitwasyon, maibalik ngayon ang ating mga workers, lalo na ‘yung mga nabitin,” tugon ni Marcos sa mungkahi ni Arenas.

Hindi aniya nakapasok sa Kuwait ang aabot sa 800 na OFW dahil sa kautusang hindi na muna sila maglalabas ng bagong visa.

“Hopefully down the road, we will continue to work to improve that situation,” anang Pangulo.

“I don’t want to burn any bridges na sasabihin, baka in the future, baka in a little while, a few months from now, a year from now, sasabihin magbago ang sitwasyon….baka pwede pa tayong magpadala ulit ng mga ating workers sa Kuwait. Kaya’t…sometimes, overreaction ‘yung ban. Basta, ban na lang tayo ng ban. Hindi naman tama. We have to react to the situation as it is. And I think the proper reaction is to take the decision of the Kuwaiti government to no longer issue new visas,” dagdag pa ni Marcos.

Previous Post

2 menor de edad, patay nang tamaan ng kidlat sa Gen. Trias, Cavite

Next Post

Caloocan City, nag-deploy ng bagong 12 emergency vehicles; dagdag paghahanda rin vs ST ‘Mawar’

Next Post
Caloocan City, nag-deploy ng bagong 12 emergency vehicles; dagdag paghahanda rin vs ST ‘Mawar’

Caloocan City, nag-deploy ng bagong 12 emergency vehicles; dagdag paghahanda rin vs ST 'Mawar'

Broom Broom Balita

  • ‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart
  • Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3
  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
  • Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax
  • ‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR
‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

June 8, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

June 8, 2023
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.