• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Caloocan City, nag-deploy ng bagong 12 emergency vehicles; dagdag paghahanda rin vs ST ‘Mawar’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 26, 2023
in Balita, National / Metro
0
Caloocan City, nag-deploy ng bagong 12 emergency vehicles; dagdag paghahanda rin vs ST ‘Mawar’

Caloocan Gov't

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inihayag ng pamahalaang Lungsod ng Caloocan nitong Huwebes, Mayo 25, na nagtalaga ito ng 12 bagong emergency, disaster, at delivery vehicles para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa kalamidad sa lungsod.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kahalagahan ng pagiging handa sa panahon ng sakuna, pagkakaroon ng emergency vehicles, at tamang rescue equipment at pagsasanay ng mga tauhan.

“Mahirap umaksyon tuwing may sakuna kung walang sasakyan na magagamit kaya sabi ko, kung gusto natin na maging isa sa mga nangunguna pagdating sa disaster response sa ating siyudad, kailangan may sapat na ambulansya at rescue vehicles na magagamit. Pauna pa lang ito, marami pa tayong bibilhing gamit at maging ang mga rescuers natin, titiyakin natin na may angkop silang kaalaman at kakayahan para sa trabaho nila,” anang alkalde.

Ipinakalat ng pamahalaang lungsod ang 10 ambulansya, dalawang Special Rescue Vehicles (SRV), at isang delivery truck matapos silang basbasan sa isang seremonya noong Lunes, Mayo 22.

Inatasan din ni Malapitan ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na i-standardize ang lima hanggang walong minutong response time sa anumang emergency na sitwasyon sa lungsod.

Inihayag din kamakailan ng pamahalaang lungsod ang kanilang sentralisadong 24/7 emergency hotline at ang bago nitong Alert and Monitoring Operations Center na matatagpuan sa iba’t ibang estratehikong lugar sa lungsod.

Sinabi rin ni CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao na ang lungsod ay may patuloy na paghahanda para sa mga posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar (tatawaging lokal na Betty) sa Metro Manila.

Basahin: Navotas City, nakabantay na rin vs Super Typhoon ‘Mawar’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, Mayo 26, nakipagpulong si Malapitan sa mga kinauukulang departamento ng lungsod upang talakayin ang mga paghahanda kabilang ang paglalagay ng mga kagamitan sa pagtugon sa kalamidad para sa inaasahang pagpasok ng bagyo sa bansa.

“Inutusan na ni Mayor Along ang CDRRMO at iba pang departamento ng lungsod na maging alerto sa pagsubaybay sa panahon at sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga nasasakupan,” ani Dr. Lao.

Aaron Homer Dioquino

 

Tags: caloocan citySuper Typhoon Mawar
Previous Post

Hirit na total deployment ban ng OFWs sa Kuwait, tinanggihan ni Marcos

Next Post

9 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano–Bulkang Taal, 7 beses yumanig

Next Post
9 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano–Bulkang Taal, 7 beses yumanig

9 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano--Bulkang Taal, 7 beses yumanig

Broom Broom Balita

  • Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud
  • Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag
  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
  • Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark
  • ‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.