• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sunog sa dormitoryo sa Guyani, sinimulan daw ng estudyanteng nakumpiskahan ng cellphone

MJ Salcedo by MJ Salcedo
May 25, 2023
in Balita, Daigdig
0

(Keno GEORGE / AFP via MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang estudyanteng nagalit matapos makumpiskahan ng cellphone ang siyang dahilan umano ng pagsiklab ng sunog sa isang school dormitory sa Guyana, South America, na ikinamatay ng 19 estudyanteng menor de edad.

Ang nasabing sunog na kumitil ng buhay ng 19 estudyante ay nangyari umano noong Linggo, Mayo 21, sa isang dormitoryo na may edad 11 hanggang 12 at 16 hanggang 17.

MAKI-BALITA: 19 estudyante, patay sa pagkasunog ng dormitoryo sa Guyana

Sa ulat ng Agence France-Presse, kinumpirma ng isang opisyal na noong gabing maganap ang insidente, isang babaeng estudyante ang nagbantang susunugin niya ang gusali nang kumpiskahin ng staff ang kaniyang cellphone.

“They (staff) took away the phone from the girl and the girl threatened the same night that she will burn down the building and everybody heard her,” saad ng opisyal sa ulat ng AFP.

Makalipas umano ang ilang minuto, pumunta ang estudyante sa banyo at nag-spray ng insecticide sa kurtina bago sinindihan ang posporo.

Maraming mga mag-aaral umano ang nagkuwento ng parehong bersyon ng mga nasabing kaganapan.

Ayon pa sa opisyal, umamin naman ang estudyante sa pinagmulan ng sunog at nasa ilalim na siya ng kustodiya ng pulisya sa district hospital sa bayan ng Mahdia.

Tinitingnan pa umano ng pulisya kung kakasuhan ang nasabing estudyante.

Previous Post

Libre lang ‘to! ‘The Philippine Gazette’ inilunsad ng gobyerno

Next Post

Marcos, nagtalaga ng bagong undersecretary ng DSWD

Next Post
Marcos, nagtalaga ng bagong undersecretary ng DSWD

Marcos, nagtalaga ng bagong undersecretary ng DSWD

Broom Broom Balita

  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
  • Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark
  • ‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals
  • Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers
  • Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

June 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

Para makatanggap din ng ayuda: Minors PWD, ipinasasama ni Lacuna sa listahan ng adult PWD

June 7, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.