Dinakip ng pulisya ang isang 38-anyos na lalaki sa Solano, Nueva Vizcaya matapos piliting makipagtalik sa kanya ang isang babae kapalit ng hindi pagpapakalat ng malalaswang litrato nito.
Naka-detain na sa Solano Municipal Police Station ang suspek na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.
Sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek na taga-Barangay Roxas, Solano batay na rin sa reklamo ng isang babae na binantaan nito na ikakalat ang malalaswang larawan kung tatanggi na makipagtalik sa kanya.
Lingid sa kaalaman ng suspek, nagsumbong ang biktima sa pulisya nitong Mayo 23 at kaagad na naglatag ng entrapment operation na ikinaaresto nito.
Kasong paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at Republic Act RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) ang kinakaharap ng suspek.