• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

P-pop King SB19, in-elbow ang K-pop group BABYMONSTER sa YouTube trend list

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 20, 2023
in Balita, Music, Showbiz atbp.
0
P-pop King SB19, in-elbow ang K-pop group BABYMONSTER sa YouTube trend list

SB19/YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Higit isang araw lang matapos ilabas ng P-pop powerhouse SB19 ang latest single na “Gento” nitong Biyernes, nanguna agad ito sa YouTube trend list for music ngayong Sabado.

Agad na naagaw ng Pinoy group ang trono mula newest YG Entertainment girl group na BABYMONSTER na ngayo’y nasa ikalawang puwesto ng trend list para sa pre-debut track nitong “Dream” anim na araw matapos ang official release.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 700,000 views ang latest music ng SB19 na patuloy na umaani ng pawang positibong rebyu mula sa fans.

“Ang ganda ng gento it shows how SB19 doesn’t stop when it comes to their music evolution. It sounds different, refreshing to the ears. Di ka basta basta makakakita ng Gento indeed!!” mababasa sa isang komento ng fan sa official music video ng kanta sa YouTube.

“The MV and lyricism are very rich! Busog na busog ka at speechless ka na lang talaga after watching it dahil sa sobrang ganda! I also love the transitions lalo na ung song from English to Tagalog at may konti pang Spañol. Aminin we’re very lucky that we have SB19 in our generation! Multi-Talented group of the PH!” segunda ng isa pa.

“I can’t get enough of it. Esp pag nabasa mo ang lyrics. Mas maapreciate mo how it is well written. Grabe lang lyricism mo Pablo and SB19. And kung paano saktong sakto yung line distribution. Alam mo talagang kilalang kilala nila ang isat isa eh. Grabe!! Kudos!!”

“Hindi tayo binigyan ng birit ni Stell pero fulfilling buong song, walang kulang at tinodo sa LABIS!!!! SB19 really gave their blood, sweat and tears on all of their crafts kaya ang ganda at never pumalya lahat ng kanta nila.”

“GENTO ang music video! The quality, OMG! Halatang pinag-isipan at pinagpaguran. Napakahusay ng SB19 at lahat ng taong nasa likod ng MV! Proud of y’all. Iangat natin ang musikang Pilipino! 🔥”

“My boys are back with this. You guys always serves us something new to the table. Hindi kayo natatakot lagi na subukan Ang Bago. Grabe Yung standard na seniset niyo for ppop. Ito Yung PPOP “GENTO” dapat.🔥”

“SB19 stands for Sound Break. Bawat kanta naginagawa nila malalim yung kahulugan, kailangan mo himayin. Surely they will conquer the world one day. Go SB19 break the sound even more!”

“SB19 stands for Sound Break. Bawat kanta naginagawa nila malalim yung kahulugan, kailangan mo himayin. Surely they will conquer the world one day. Go SB19 break the sound even more!”

Basahin: PANUORIN: ‘Gento’ ng SB19, ipinarinig na sa publiko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang bagong kanta ay bahagi ng nalalapit na release ng “Pagtatag” extended play (EP) ng grupo sa darating na Hunyo 9.

Binubuo nina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin, ang SB19 na ipinakilala sa publiko noong 2018.

Mula noon ay lalo pang inabot ng grupo ang rurok ng kasikatan sa mga hit songs “Mapa,” “Hanggang Sa Huli,” “Tilaluha,” “Where You At?” bukod sa maraming iba pa.

Samantala, nakatakda muling magsagawa ng world tour ang grupo na sisimulan nila sa bansa sa darating na Hunyo 24 at 25.

Tags: BABYMONSTERGentoSB19
Previous Post

Heat index sa Aparri, Cagayan, umabot sa 49°C

Next Post

Pinoy finalist sa Canada’s Got Talent, bigong naiuwi ang kampeonato

Next Post
Pinoy finalist sa Canada’s Got Talent, bigong naiuwi ang kampeonato

Pinoy finalist sa Canada’s Got Talent, bigong naiuwi ang kampeonato

Broom Broom Balita

  • Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO
  • Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project
  • Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’
  • Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas
  • Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US
Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

December 9, 2023
Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

December 9, 2023
Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

December 9, 2023
Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

December 9, 2023
Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US

Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US

December 9, 2023
Cargo aircraft ng PAF, sumadsad sa Palawan airport

Cargo aircraft ng PAF, sumadsad sa Palawan airport

December 9, 2023
‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

December 9, 2023
Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

December 9, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

December 9, 2023
Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

December 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.