• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

TESDA, inutusang bumuo ng livelihood, vocational programs para sa mga rehabilitated drug dependent

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
May 16, 2023
in Balita, Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nag-uutos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood programs para sa mga dating drug dependent na sumailalim sa rehabilitasyon.

Umabot sa 260 mambabatas ang umaprub sa House Bill (HB) No. 7721 o An Act Mandating the TESDA to Design and Implement Technical-Vocational Education and Training and Livelihood Programs Specifically for Rehabilitated Drug Dependents.”

Ang panukala ay nag-uutos sa Director General ng TESDA na agad na isama sa programa at badyet ng ahensya ang disenyo at pagpapatupad ng TVET at mga programang pangkabuhayan na partikular na tutugon sa mga dating umaasa sa droga na sumailalim sa rehabilitasyon.

Inaatasan din nito ang TESDA, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE), na bigyan ang mga rehabilitated drug dependent ng competitive at employable skills na magpapahusay sa kanilang kakayahang makahanap ng magandang trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maraming mamamayan na naging biktima ng iligal na droga at matagumpay na sumailalim sa rehabilitasyon ay nahihirapang makapaghanap-buhay hindi lamang dahil sa stigma kundi dahil din sa kakulangan ng mga kasanayan na kinakailangan upang makakuha ng trabaho.

“This measure aims to help them become our partners in nation-building by contributing to the betterment of our country through self-reliance, productivity and being employed in our industries,” ani Romualdez sa panukalang inihain nina Representatives Alfel Bascug, Eddiebong Plaza, at Joseph “Caraps” Paduano.

Previous Post

Beauty queens, excited makitang lumaban si Pauline Amelinckx sa Miss Supranational

Next Post

PBB house, giniba na; Robi Domingo, Bianca Gonzalez, former housemates nalungkot

Next Post

PBB house, giniba na; Robi Domingo, Bianca Gonzalez, former housemates nalungkot

Broom Broom Balita

  • PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!
  • LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo
  • Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’
  • Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado
  • 74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

June 6, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

June 6, 2023
Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

June 6, 2023
Auto Draft

US Embassy in Manila, ‘proud’ na idinisplay Progress Pride Flag

June 6, 2023
Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

June 6, 2023
Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

June 6, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.