• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

MPD-DDEU, nakasamsam ng ₱8.1M halaga ng umano’y shabu; pinuri ni Mayor Lacuna

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 9, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
MPD-DDEU, nakasamsam ng ₱8.1M halaga ng umano’y shabu; pinuri ni Mayor Lacuna

Photo courtesy: screenshot from Manila PIO FB live

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakatanggap ng papuri mula kay Manila Mayor Honey Lacuna ang Manila Police District-District Drug Enforcement Unit (MPD-DDEU), sa ilalim ng liderato ni MPD Director PBGen. Andre Dizon, matapos na makasamsam ng may 1.2 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱8.1 milyon sa isang operasyon sa Sta. Cruz, Manila. 

Kasabay nito, muling nagbabala si Lacuna na walang puwang ang iligal na droga sa lungsod.     

Samantala, iprinisinta rin naman ni Dizon ang suspek na si Yasser Hadji Noor, matapos itong maaresto sa kanto ng P. Guevarra St. at Remegio St., sa Sta. Cruz at makumpiskahan ng ilegal na droga.     

Pinuri ni Lacuna si Dizon at ang MPD-DDEU na pinamumunuan ng team leader nitong PSMS Jonathan Acido, at ang kanyang walong miyembrong kasama sa  operasyon.    

Nabatid na pinangunahan ni Acido ang team na nagkasa ng buy-bust operation na naging dahilan ng pagkakahuli ng suspek at pagkakasamsam ng naturang ilegal na droga.

Napag-alaman pa na ang operasyon ay bunga ng mahabang surveillance kaugnay ng illegal activities ng suspek.    

Kasong paglabag sa RA 9165 or Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa  suspek sa Manila Prosecutor’s Office.     

Sa kanyang pasasalamat sa kapulisan, sinabi ni Lacuna na, pagdating sa illegal drugs, ang kanyang kautusan ay gawin ang lahat upang maging drug-free city ang Maynila.      

Ayon pa kay Lacuna, ang Illegal drugs ay ugat ng maraming kasamaan kabilang na ang kriminalidad laban sa mga inosente at law-abiding citizens ng mga lulong sa droga na mga indibidwal.    

Bilang isang doktor ay pinapahalagahan ng alkalde ang malinis at malusog na pamumuhay. 

Binanggit pa ni Lacuna kung paano winawasak ng  illegal drugs ang buhay ng mga indibidwal at pamilya, kaya naman nais niyang ang operasyon kontra illegal drugs ay magtuloy-tuloy at pag-igtingin pa. 

Tags: Manila Mayor Honey LacunaManila Police District-District Drug Enforcement Unit (MPD-DDEU)
Previous Post

Newest Tawag ng Tanghalan champ Lyka Estrella, emosyonal nang ma-meet si Songbird

Next Post

Flex gone wrong! Pockie, nag-share ng glow up reel matapos ‘matauhan,’ natalakan ng netizen

Next Post
Flex gone wrong! Pockie, nag-share ng glow up reel matapos ‘matauhan,’ natalakan ng netizen

Flex gone wrong! Pockie, nag-share ng glow up reel matapos ‘matauhan,’ natalakan ng netizen

Broom Broom Balita

  • 770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15
  • DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news
  • Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR
  • Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’
  • Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi
770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15

770 housing units para sa ‘Yolanda’ victims, ready na sa Dis. 15

December 1, 2023
DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news

DSWD: ₱10,000 Christmas cash gift para sa senior citizens, fake news

December 1, 2023
Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR

Higit 170 sasakyan, nahuli, nahatak sa Mabuhay Lanes sa NCR

December 1, 2023
Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’

Malabon Mayor sa mga brokenhearted dahil sa KathNiel: ‘Iiyak mo lang yan dahil walang pasok bukas’

November 30, 2023
Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi

Lisensya ng SUV driver sa viral road rage incident sa Taguig, sinuspindi

November 30, 2023
Salceda sa KathNiel breakup: ‘Mag sorry na kayo ki Ogie’

Salceda sa KathNiel breakup: ‘Mag sorry na kayo ki Ogie’

December 1, 2023
Auto Draft

Mayor Biazon, nag-react sa ‘class suspension’ dahil sa KathNiel breakup

November 30, 2023
Auto Draft

Bagong species ng pagong, ipinakilala ng Philippine Eagle Foundation

November 30, 2023
Dahil sa KathNiel breakup: Bela Padilla, may hugot

Dahil sa KathNiel breakup: Bela Padilla, may hugot

November 30, 2023
‘The Hows of Us’ muling sinariwa ng netizens

‘The Hows of Us’ muling sinariwa ng netizens

November 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.