Kinubra na ng lotto winner mula sa Cebu City ang kaniyang napanalunang ₱16 milyon sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Marso 9, 2023.
Sa ulat ng PCSO nitong Biyernes, Mayo 5, nabili ng lucky winner ang kaniyang ticket sa Cebu City na kung saan tinayaan niya ang winning combination na 06-18-26-29-17-1 na may kaakibat na ₱16, 319, 245.20 na premyo.
“Ilang beses ko tiningnan ang ticket ko dahil hindi ako makapaniwala. Sa oras na iyon, abot abot ang aking pasasalamat sa Diyos dahil sa blessings na ito, at sa PCSO dahil kung hindi sa lotto di po ako mananalo. Salamat po sa PCSO,” saad ng lucky winner.
Plano rin aniya na gamitin ang pera upang tulungan ang kaniyang pamilya, para sa pagsisimula ng negosyo at pagdonate sa mga charitable organizations.
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.