• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH: Pagtaas ng Covid-19 cases, hindi dapat maging dahilan ng pagpapanik ng mga Pinoy

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 4, 2023
in Balita, National / Metro
0
Vergeire, handa na raw maging kalihim ng DOH: ‘Baka kailangan ako ng mga Pilipino’

DOH OIC Ma. Rosario Vergeire (MB PHOTO BY ALI VICOY)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga Pinoy hinggil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa at iginiit na hindi ito dapat na maging dahilan ng kanilang pagpapanik.

Ipinaliwanag ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire nitong Huwebes na ang mas mahalagang tinitingnan nila ay ang healthcare system ng bansa at hanggang manageable ito ay wala aniyang dapat na ipag-alala ang mga mamamayan.

“We don’t need to panic. Ang tinitignan na natin kasi po ngayon ‘yong healthcare system capacity, if it’s manageable then we are good,” paniniyak pa ni Vergeire sa mga mamamayan.

Ayon kay Vergeire, bagamat tumataas ang mga bagong kaso ng Covid-19, ang karamihan naman aniya sa ito ay mild at asymptomatic lamang.

Wala rin aniyang masyadong nao-ospital sa mga bagong pasyenteng tinamaan ng virus.

“Our health care utilization [rate] across the country is less than 20 percent. All of our regions are registering less than 20 percent, meaning wala po masyadong nao-opsital. Kung mayroon man tayong binabantayan ngayon na ospital, ito po ‘yong mga ospital na tumataas ang percentage ng utilization because somehow most of them kulang ang kama,” dagdag pa ni Vergeire.

Siniguro rin naman niya na inabisuhan na ng DOH ang mga ospital na ihanda ang Covid-19 beds sakaling tumaas pa ang mga kaso ng sakit.

“‘Yon pong COVID wards ay nandoon naman talaga. Hindi po siya sinara. Pinapa-prepare lang namin,” dagdag pa ng health official.

Sinabi rin ni Vergeire na posibleng tumataas ang mga kaso dahil sa mga variant ng Covid-19, “mobility” ng populasyon, at vulnerability ng indibidwal.

Tiniyak rin niya na sa ngayon ay wala pa ring plano ang DOH na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa.

Paulit-ulit pa rin naman ang payo ng DOH sa mga Pinoy na boluntaryo nang magsuot ng face masks lalo na sa mga kulob at matataong lugar, patuloy na tumalima sa health protocols laban sa Covid-19 at magpabakuna at booster shots na laban sa Covid-19.

Tags: COVID-19doh
Previous Post

Isa sa mga nanalo ng ₱33M sa Super Lotto 6/49, kumubra na ng premyo!

Next Post

Southern Leyte, niyanig ng magnitude 4 na lindol

Next Post
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Southern Leyte, niyanig ng magnitude 4 na lindol

Broom Broom Balita

  • 3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal
  • SG Conan, ayaw paawat sa pagsikat; kilala na rin sa ibang bansa
  • Kuya Kim blessed bilang Kapuso: ‘2 years went by in a breeze sa dami ng blessings!’
  • ‘Epal, pabibo raw!’ Reaksiyon ni Kuya Kim sa post ni Jay Contreras, na-bash
  • Matapos mapalayas Kamikazee sa Sorsogon: Jay Contreras, may cryptic posts
3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal

3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal

October 4, 2023
SG Conan, ayaw paawat sa pagsikat; kilala na rin sa ibang bansa

SG Conan, ayaw paawat sa pagsikat; kilala na rin sa ibang bansa

October 4, 2023
Kuya Kim blessed bilang Kapuso: ‘2 years went by in a breeze sa dami ng blessings!’

Kuya Kim blessed bilang Kapuso: ‘2 years went by in a breeze sa dami ng blessings!’

October 4, 2023
‘Epal, pabibo raw!’ Reaksiyon ni Kuya Kim sa post ni Jay Contreras, na-bash

‘Epal, pabibo raw!’ Reaksiyon ni Kuya Kim sa post ni Jay Contreras, na-bash

October 4, 2023
Matapos mapalayas Kamikazee sa Sorsogon: Jay Contreras, may cryptic posts

Matapos mapalayas Kamikazee sa Sorsogon: Jay Contreras, may cryptic posts

October 4, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

Utang ng Pilipinas, pumalo na sa ₱14.35 trilyon

October 4, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Dahil sa bagyong Jenny: Signal No. 3, itinaas sa Itbayat, Batanes

October 4, 2023
Auto Draft

Romualdez kay Hagedorn: ‘He wasn’t just a colleague, he was family’

October 3, 2023
Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow

Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow

October 3, 2023
‘Jenny’ napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 2 pa rin

‘Jenny’ napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 2 pa rin

October 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.