• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

95% coverage, target ng DOH sa vaccination program para sa tigdas, polio at rubella

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 2, 2023
in Balita, National / Metro
0
Vergeire, handa na raw maging kalihim ng DOH: ‘Baka kailangan ako ng mga Pilipino’

DOH OIC Ma. Rosario Vergeire (MB PHOTO BY ALI VICOY)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Target ng Department of Health (DOH) na maabot ang 95% coverage sa isinasagawang nationwide supplemental immunization campaign upang mabakunahan ang mga bata laban sa tigdas, polio at rubella.

Ito, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ay upang maabot ang ninanais na herd immunity.

“95% coverage is needed in order for us to attain herd immunity. Ito ‘yung isang phenomenon based on science, na kapag na-achieve mo ‘yung pagpapabakuna ng 95% of your population, yung 5% kahit hindi sila bakunado, they would be provided with that immunity also,” paliwanag pa ni Vergeire, sa isang pulong balitaan nitong Martes.

Binigyang-diin pa ni Vergeire na kung hindi makamit ng pamahalaan ang herd immunity sa 95%, mananatili aniya ang posibilidad na magkaroon ng outbreak ng mga naturang karamdaman.

“Kasi itong mga hindi nababakunahan, they become the pull of susceptible, sila ‘yung vulnerable na magkakasakit sila, at madali nilang maipanghahawa sa mga hindi pa rin bakunado,” dagdag pa niya.

Nabatid na pinakilos na ng DOH ang kanilang mga regional units, at nakipag-ugnayan sa mga local governments, at pribadong sektor para maging matagumpay ang naturang kampanya.
Aniya pa, base sa kanilang isinagawang pag-analisa, sa nakalipas na limang taon ay nasa isa mula sa tatlong bata, ang hindi nakatanggap ng measles vaccine, dahil ang range lang aniya ng kanilang accomplishment para sa measles at rubella vaccine ay nasa 58 – 73% lamang.

“So, marami parin sa ating mga kabataan ang hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang bakuna, so having said that yung posibilidad na magkaroon ng outbreak, ay laging nandyan,” aniya pa.

Tinukoy pa ni Vergeire na noong 2019, mahigit 600 bata ang namatay dahil sa outbreak kaya’t higit pa nilang pinaigting ang pagbabakuna sa mga bata.

Ang supplemental immunization activities para sa mga bata ay sinimulan nitong May 1 hanggang 31 sa ilalim ng “Chikiting Ligtas 2023″ program. 

Tags: dohpolioRubella
Previous Post

Lacuna, umapela ng pang-unawa sa pansamantalang pagsasara ng Lagusnilad Underpass

Next Post

DOTr, papaigtingin pa ng Covid-19 preventive measures sa railway lines

Next Post
DOTr sa mga bus, PUVs, terminals sa NCR: Minimum health protocols at 70% capacity, tiyaking nasusunod

DOTr, papaigtingin pa ng Covid-19 preventive measures sa railway lines

Broom Broom Balita

  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
  • Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
DepEd, aminadong kulang sa guidance counselors sa mga paaralan; problema agad daw sosolusyunan

Gurong sangkot umano sa namatay na estudyante, pinag-leave of absence muna ng DepEd

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.