• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

NAIA security, kinalampag ng fans ng HORI7ON, unprofessional nga ba?

Lance Romae Advincula by Lance Romae Advincula
April 30, 2023
in Celebrities, Entertainment, Showbiz atbp.
0
NAIA security, kinalampag ng fans ng HORI7ON, unprofessional nga ba?

Screengrab mula Twitter video/healwaysvinci_

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap ng Ninoy Aquino International Airport Security mula sa “Anchors” o fans ng global pop group na HORI7ON matapos ang di umano’y hindi magandang pagtrato sa mga miyembro nito.

Linggo ng umaga, Abril 30 nang dumagsa ang daan-daang taga-suporta at pamilya ng HORI7ON sa NAIA upang masilayan sa huling pagkakataon ang nasabing grupo para tumulak sa South Korea para sa napipinto nitong debut.

Basahin: HORI7ON, tumulak na sa South Korea para sa kanilang debut – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang video, makikita na tila ayaw ng security at staff na makalapit sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa kani-kanilang pamilya, at kahit namagitan na ang mga Korean staff na kasama ng HORI7ON ay nagmatigas pa rin ang mga ito.

this is the airport situation a while ago. kayo na bahala humusga 🥲 pic.twitter.com/6THYGrbrDh

— yen is missing vinci 🌅 (@healwaysvinci_) April 30, 2023

Sa isa pang video, makikita na tila hinila pa ang ilang miyembro ng HORI7ON na kapwa menor de edad para agarang pumasok sa mismong entrance ng paliparan, sa kabila ng ongoing shoot  nila para sa Korean reality TV show ng grupo.

Trending sa Twitter ang hashtag #NAIASecurityCancelled kasabay nang pagbuhos ng panawagan sa pamunuan ng paliparan na ayusin ang pagtrato sa mga baguhang grupo kagaya ng HORI7ON.

Narito ang ilan sa mga nakalap ng Balita:

Go!!!!!!IPAKALAT NIYO TO KAHIT SAAN PARA MABIGAY NG JUSTICE YUNG HORI7ON THEY DISRESPECT HORI7ON GRABE PANG RUDENESS GUSTO ATA NILA KALABANIN ANG ANCHORS SORRY BHE MAHIRAP YAN.DONT FORGET THAT ANCHORS LOVE HORI7ON!!
ctto:tiktok#HORI7ON #NAIASecurityCancelled pic.twitter.com/1v3p3t4TmA

— kyler_1129_⚓ (@angel_1129_) April 30, 2023

Sana napapansin niyo NAIA na kahit minsan may mga palpak kayong mga actions especially in treating artists of the country. Sana alam niyo ung mga ginagawa niyo. Be accountable naman sa mga actions na pinapakita niyo. #NAIASecurityCancelled pic.twitter.com/jRhr4SrqFo

— bry (@justforvinster) April 30, 2023

Kapag ordenaryo na Tao ok Lang na mag tagal Jan sa labas pero pag sikat na bawal na mag tagal sa labas kahit ilang minutes Lang oi ano na security nang naia Sama nang ugali nyo#NAIASecurityCancelled @MIAAGovPH pic.twitter.com/NbfJUl390Z

— 💜Hori7on!!!!! fighting 💪💫⚓️ (@aishiteru1922) April 30, 2023

Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng NAIA tungkol sa isyu.

Tags: HORI7ONnaiasecuritytrending
Previous Post

Waiter ‘nakaganti’ na; Alex pinahiran ng icing sa mukha

Next Post

Marcos, lumipad na para sa official visit sa U.S.

Next Post
Marcos, lumipad na para sa official visit sa U.S.

Marcos, lumipad na para sa official visit sa U.S.

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.