• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

MJ Salcedo by MJ Salcedo
April 25, 2023
in Balita, National
0

Photo courtesy: Sen. Koko Pimintel/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel nitong Lunes, Abril 24, na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

Sa isang panayam, binanggit ni Pimintel ang sitwasyon ng manggagawa tulad ng construction workers, street sweepers, at traffic enforcers.

Nararapat umanong masuspinde ang kanilang mga trabaho tuwing mag-aanunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Atmospheric Services Administration (PAGASA) ng “very high temperature levels” sa kanilang lugar para sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Binigyang-diin din ng senador na dapat malinaw ng DOLE na mababayaran pa rin ang mga manggagawa sa kabila ng pagkasuspinde ng kanilang trabaho tuwing mataas ang heat index.

Ipinunto naman ni Pimentel na ang pagsususpinde sa trabaho ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang trabaho o sa ekonomiya dahil hindi umano ito gagawin araw-araw.

Noon lamang linggo, Abril 23, inanunsyo ng PAGASA na pitong mga lugar sa bansa ang nagtala ng mga heat index na umabot sa “danger” level.

BASAHIN: Heat index sa 7 lugar sa bansa, umabot sa ‘danger’ level

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Tags: Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel
Previous Post

Top 5 sa Swimsuit Challenge ng Miss Universe Philippines, kilalanin!

Next Post

Medical Services Department Multi-Specialty Clinic ng PCSO, bukas na sa publiko

Next Post
Premyo ng Ultra Lotto at Mega Lotto, hindi napanalunan! 

Medical Services Department Multi-Specialty Clinic ng PCSO, bukas na sa publiko

Broom Broom Balita

  • Guro, flinex fashion design ng mga estudyante gamit natural resources
  • LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique
  • ₱805,000 kush mula U.S., nasamsam sa Clark
  • Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up
  • ₱8.5M financial, livelihood assistance ipinamahagi sa NCR — DOLE
Auto Draft

Guro, flinex fashion design ng mga estudyante gamit natural resources

December 2, 2023
LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique

LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique

December 2, 2023
₱805,000 kush mula U.S., nasamsam sa Clark

₱805,000 kush mula U.S., nasamsam sa Clark

December 2, 2023
Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up

Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up

December 2, 2023
‘Tamang sweldo ng mga empleyadong papasok sa regular holidays, ibigay’ — DOLE

₱8.5M financial, livelihood assistance ipinamahagi sa NCR — DOLE

December 2, 2023
Auto Draft

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa amihan, easterlies

December 2, 2023
Andrea Brillantes ipinagdasal na magkaroon ng isang Daniel Padilla

Andrea Brillantes ipinagdasal na magkaroon ng isang Daniel Padilla

December 2, 2023
Dumagsang turista sa Boracay, higit 1.4M na!

Dumagsang turista sa Boracay, higit 1.4M na!

December 2, 2023
Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama

Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama

December 2, 2023
7 lalawigan sa VisMin, positibo pa rin sa red tide

7 lalawigan sa VisMin, positibo pa rin sa red tide

December 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.