TAYA NA!
Hindi napanalunan ang mahigit ₱15 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO nitong Huwebes, Abril 20.
Base sa official draw results, walang nakahula ng winning combination na 49 – 23 – 06 – 30 – 07 – 09 na may total jackpot prize na ₱15,840,000.
Gayunman, may 37 na manananaya ang nanalo sa second prize na may premyong ₱50,000 habang 1,676 bettors naman ang nanalo ng ₱1,200.
Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.