• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Darryl Yap tumanggi sa alok ng FAMAS na mapasama pelikula sa awards night

Richard de Leon by Richard de Leon
April 20, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Darryl Yap tumanggi sa alok ng FAMAS na mapasama pelikula sa awards night

Darryl Yap at tropeo ng FAMAS (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng direktor ng “Martyr or Murderer” na si Darryl Yap ang magalang at maayos na pagtanggi niya sa naging imbitasyon ng FAMAS o Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards, na mapabilang sa awards night o mapararangalan ang kaniyang pelikula.

“Opisyal na isinapublikong tugon ng inyong lingkod sa paanyaya ng FAMAS,” ani Yap sa kaniyang Facebook post.

“Minabuti ko pong ipaskil ito upang sabayang ipabatid sa aking mga tagasubaybay, kaibigan sa industriya at mga katrabahong artista—”

“Ako po mismo ang umaako ng dahilan kung bakit di nakakasama sa ilang pagkilala ang ating mga munting pelikula. Hindi po ito ‘humblebrag’ o pagmamalaki at pagyayabang; hindi rin po nito sinusukat ang kredibilidad ng kahit na sino, hindi po ito repleksyon o tinig ng kahit na sino mula sa Viva films, ito po ay personal kong pahayag; ito po ay simpleng paninindigan lamang na sasagot sa mga tanong at kuro-kuro ng aking mga tagapagtangkilik.”

“Salamat po.”

Kalakip ng FB post ang screengrab ng kumbersasyon ng direktor at isang taga-FAMAS.

Aniya, bagama’t nirerespeto niya ang isa sa mga kinikilalang prestihiyosong award-giving body sa bansa, hindi naman niya kayang isakripisyo at ikompromiso ang kaniyang mga prinsipyo, halagahan (values) at paniniwala.

Matatandaang humakot ng parangal sa FAMAS ang pelikulang “Katips” na sinasabing tumapat sa kaniyang pelikulang “Maid in Malacañang” noong 2022.

Tags: Darryl YapFAMAS
Previous Post

Ginebra, babawi sa Game 6 vs TNT sa PBA finals

Next Post

Bea Alonzo inisnab nga ba sa ulat ng TV Patrol?

Next Post
Bea Alonzo inisnab nga ba sa ulat ng TV Patrol?

Bea Alonzo inisnab nga ba sa ulat ng TV Patrol?

Broom Broom Balita

  • Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig
  • Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa
  • 5.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur
  • Katawan ng construction worker, nahati dahil sa backhoe
  • Maagang pamasko! ₱16.6M jackpot sa lotto, kukubrahin ng solo winner
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

December 10, 2023
5.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

5.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

December 10, 2023
Katawan ng construction worker, nahati dahil sa backhoe

Katawan ng construction worker, nahati dahil sa backhoe

December 9, 2023
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Maagang pamasko! ₱16.6M jackpot sa lotto, kukubrahin ng solo winner

December 9, 2023
Tanker na may expired documents, hinuli sa Manila Bay — PCG

Tanker na may expired documents, hinuli sa Manila Bay — PCG

December 9, 2023
Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

December 9, 2023
Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

December 9, 2023
Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

December 9, 2023
Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

December 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.