• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Dahil sa ‘kaartehan sa set’ ng Darna? Jane de Leon, waley pa raw next offer sa ngayon

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 14, 2023
in Celebrities, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Dahil sa ‘kaartehan sa set’ ng Darna? Jane de Leon, waley pa raw next offer sa ngayon

Jane de Leon/Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ngayong may segundang project na agad si Joshua Garcia kasunod ng pagbida sa Darna, naiintriga ngayon umano’y wala pa raw nakalinyang next project ni Jane de Leon. Eh bakit nga kaya?

Nasa Japan ngayon ang Kapamilya star base sa kaniyang latest Instagram update. Bakasyon galore ang latest Darna na hindi naman nakaligtas sa mga intriga sa kamakailaang showbiz update ni Ogie Diaz sa YouTube.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Ayon sa nagchika raw sa talent manager, “mukhang matatagalan daw” bago masundan ang next show ng aktres.

“Ang sabi, parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa medyo may kaartehan daw si Jane sa set,” sey ni Ogie na pinabulaanan naman ng isa pang friend na nagsabi namang sa katunayan ay “masunurin sa set” ang Darna star.

Ayon nga lang ay “hindi daw daw maintidihan ng ibang production na si Jane minsan ay may dinaramdam, masakit nag ulo” bagaman work pa rin naman ito nang work, dagdag ni Ogie.

Depensa naman ni Mama Loi, baka naman daw ay parte ng nachikang kaartehan ni Jane ang literal na pagod dala ng matitinding eksena at aksyon na ni-require ng Darna.

“Kasi nung nainterview ko naman dito si Jane, mukha namang mabait at mukha namang masunurin,” segunda ring testimonya ng talent manager.

“Mukhang magaling makasama,” gatong ni Mama Loi.

“May pangarap talaga yung bata,” dagadag ni Ogie.

Pagpapatuloy ng showbiz insider, sa produksyon din karaniwan nagsisimula ang pagbibida sa mga aktor para sa next project lalo na kung nakitaan talaga ng ng husay sa trabaho.

“Hindi lang natin alam baka hindi pa nakakarating sa atin na may offer o alok pala dito kay Jane de Leon. Hintayin natin, susulpot din naman ‘yan,” sey ni Ogie na sa kaniyang experience naman bilang manager ay kung sa malamang ay masusundan ang project ng aktres dahil nagbida nga ito sa isang malaking project, at Darna pa.

Samantala, deserve na deserve naman ani Ogie ang pagpapahinga ngayon ni Jane.

Tags: darnaJane de LeonOgie DiazOgie Diaz Showbiz Update
Previous Post

Serye ng paglindol, naitala sa Mt. Pinatubo, Kanlaon Volcano

Next Post

Lumikha ng ‘Bahay-jeep’ naghahanap ng driver para libutin ang buong Pilipinas!

Next Post
Lumikha ng ‘Bahay-jeep’ naghahanap ng driver para libutin ang buong Pilipinas!

Lumikha ng 'Bahay-jeep' naghahanap ng driver para libutin ang buong Pilipinas!

Broom Broom Balita

  • MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde It’s Showtime
  • Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm
  • Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?
  • Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?
  • Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm

October 1, 2023
Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

October 1, 2023
Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

October 1, 2023
Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

October 1, 2023
‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Jolina Magdangal, sinariwa ang unang sitcom

Jolina Magdangal, sinariwa ang unang sitcom

October 1, 2023
Pokwang mas dumarami ang property kapag inaapi, pinapaiyak

Pokwang mas dumarami ang property kapag inaapi, pinapaiyak

October 1, 2023
‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

October 1, 2023
‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

October 1, 2023
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.