• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dating si ‘Ningning’ Jana Agoncillo, puwede isabak bilang beauty queen

Richard de Leon by Richard de Leon
April 1, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Dating si ‘Ningning’ Jana Agoncillo, puwede isabak bilang beauty queen

Jana Agoncillo (Larawan mula sa FB ng Star Magic/Nice Print Photo/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi makapaniwala ang mga netizen sa dating child stars na mga dalagita’t binatilyo na, matapos maispatan sa matagumpay na “Star Magical Prom” noong Huwebes, Marso 30, 2023 na ginanap sa The Bellevue Manila.

Well, hindi na nakagugulat sina Andrea Brillantes at Belle Mariano dahil aktibo naman sila sa showbiz. Ang hindi inaasahan ng mga netizen ay ang dating child stars na saglit lamang na nanahimik dahil sa pag-aaral o dahil sa pandemya, subalit ngayon ay ganap na ganap na ang kanilang pag-bloom.

Si Mutya Orquia na gumanap bilang sirenang si Mutya, bunsong anak sa “Be Careful with My Heart,” ay muling nasilayan ng publiko sa katatapos na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”

Gandang-ganda rin ang mga netizen kay Krystal Mejes na gumanap na anak ni Julia Montes sa afternoon series noon na “Doble Kara.”

Nagulat naman ang lahat na ang gumanap na “Honesto” na si Raikko Mateo ay isa nang poging-poging binatilyo.

Pinuri naman ng lahat ang classy, articulate, at hawigan ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na si Jana Agoncillo, na gumanap bilang si “Ningning.” Sey pa ng mga netizen, sana raw gawin siyang A-lister ng Kapamilya Network dahil nasa aura niya ito.

At siyempre, sino nga naman ba ang makakalimot kay “Madam Ana Manalastas” na si Xyriel Manabat, na aktibo na ulit sa showbiz matapos mapabilang sa patok na teleseryeng “Dirty Linen.”

Going back kay Jana, hangang-hanga ang mga netizen sa poise at husay sa pagsasalita ni “Ningning” na beauty queen material.

Kumakalat sa social media ang video clip ng kaniyang speech bilang batch representative sa naganap na Star Magical Prom at kitang-kita sa video na talagang nakatutok ang lahat kay Jana, lalo na ang ABS-CBN bosses.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

“Nakakabilib naman ang batang ito lalo ganda ng introduction. Ramdam mong lahat ng boss ay napahanga niya kagabi. Good luck, Jana Agoncillo.”

“Ang galing niya magsalita grabe, pati ako napahanga niya.”

“Very articulate!”

“Sana maging host siya… parang next superstar ng Ignacia ito.”

“Rooting for this kid… galing-galing naman ng bebe… I really admire people who’s good in public speaking.”

The next superstar in the making. Jana Agoncillo mga Kapamilya ✨❤️💚💙#StarMagicalProm2023 #StarMagicalProm pic.twitter.com/Rt2ocUNQwu

— Kapamilya Online World (@kowalerts) March 31, 2023
Tags: Jana AgoncilloNingningTatak Star Magic
Previous Post

Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

Next Post

‘Para ‘di mag-abroad’: Zubiri, nanawagang itaas ang sahod ng nurses

Next Post

'Para 'di mag-abroad': Zubiri, nanawagang itaas ang sahod ng nurses

Broom Broom Balita

  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
  • ₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!
  • Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?
  • Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.