• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Substantial distinction’ sa isinusulong na menstrual leave sa Kongreso

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 31, 2023
in Balita, National / Metro
0
‘Substantial distinction’ sa isinusulong na menstrual leave sa Kongreso

Atty. Chel Diokno/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mainit na talakayan sa Kongreso at maging online ang panukalang menstrual leave na anang iba ay tila labis na pagpabor umano sa kababaihan. Tunghayan ang tinatawag na ‘substantial distinction’ na partikular na tinutumbok ng panukalang batas, ayon sa isang abogado.

Ito ang binigyang-linaw ng human rights lawyer na si Chel Diokno sa kaniyang latest legal reel online nitong Biyernes, Marso 31.

“Isa sa mga argumento kontra Menstrual Leave ang ‘equality’ kuno. May nagsasabi, kung may extra leaves ang mga babae, dapat rin ang mga lalaki,” pagsisimula niya.

Sunod niyang hinango ang parehong Article II, Section 14 at Article III, Section 1 ng Konstitusyon bilang legal na batayan para sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay sa lipunan pagdating ng kasarian ng isang tao.

“Sa ating Konstitusyon, sinusulong naman talaga ang equal treatment. Pero equal protection only requires na pareho ang treatment sa mga tao kung pareho rin ang kanilamng circumstances and conditions kung hindi ‘yan ang tinatawag na ‘substantial distinction,” aniya.

Dahil tanging kababaihan lang ang nakararanas ng epekto ng pagreregla, isa aniya ito sa mga tinutumbok ng batas samakatuwid.

“Pagdating sa menstruation, may substantial distinction. Hindi made-deny ang effect ng menstruation lalo na ‘yung dysmenorrhea. Totoong masakit ito na never mararanasan ng lalaki,” ani Diokno.

“Dahil may substantial distinction, at ito mismo ang gustong tugunan ng batas, sa palagay ko’y hindi labag sa equality na itinataguyod ng Constitution ang proposed menstrual leave,” sunod niyang pagsuporta sa panukala.

Sa huli, dapat aniyang “pakinggan ang mga kababaihann, at mapahalagahan ang kanilang karanasan.” Naniniwala rin ang abogado na “hindi naman makakabawas sa karapatan natin kung kikilalanin natin ‘yung karapatan ng iba.”

Ipinunto rin ng abogado ang benepisyong natatamasa rin ng isang kompanya kung nasisiguro ang kanilang kalusugan.

“At the end of the day, healthier workers lead to a more productive workplace.”

Tags: menstrual leaveSubstantial distinction
Previous Post

Isa sa mga mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo, arestado ng NBI – Sec Remulla

Next Post

1 pang Kadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Bataan

Next Post
1 pang Kadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Bataan

1 pang Kadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Bataan

Broom Broom Balita

  • ‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito
  • Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’
  • Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo
  • PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief
  • Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

June 5, 2023
Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

June 5, 2023
Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

June 5, 2023
PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief

PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief

June 5, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 5, 2023
Darren Espanto, biniro ni Vhong Navarro: ‘Anong pinanood mo kaninang 12 o’clock?’

Darren Espanto, biniro ni Vhong Navarro: ‘Anong pinanood mo kaninang 12 o’clock?’

June 5, 2023
Hinihinalang unang mga kaso ng ASF sa Antique, iimbestigahan

Hinihinalang unang mga kaso ng ASF sa Antique, iimbestigahan

June 5, 2023
Sigaw ng avid Eat Bulaga viewers, ‘Palitan n’yo title ng program!’

Sigaw ng avid Eat Bulaga viewers, ‘Palitan n’yo title ng program!’

June 5, 2023
Price rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad sa Hunyo 6

Price rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad sa Hunyo 6

June 5, 2023
Iwasan na dalhin ang mga bata sa matataong lugar — DOH

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bumaba sa 16.8%

June 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.