• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 31, 2023
in Balita, National
0
Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves

Photo courtesy: Joint Task Force Negros via AFP

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isiniwalat ng Joint Task Force Negros (JTFN) na nasamsam ng mga operatiba ng pamahalaan sa isang sugar mill compound na umano’y pag-aari ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves ang personal na mga gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa ulat ng Philippine News Agency, natagpuan umano nitong Huwebes, Marso 30, sa pamamagitan ng backhoe sa HDJ-Bayawan Agri-Venture Corp. Tolong sa Barangay Caranoche, Santa Catalina, Negros Oriental, ang mga nasunog na damit, identification cards, Automated Teller Machine cards, at sari-saring mga dokumento ng nakilalang mga suspek.

Nakita rin umano ang isang silencer, isang soldering iron, rifle cleaning paraphernalia, mga empty slug ng .45 caliber, isang Swiss knife, at isang tacker na ginagamit para sa target papers.

Ang nasabing pagkasamsam ng mga gamit ay bahagi ng patuloy na operasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tulong ng JTFN na bunubuo ng mga sundalo at pulisya.

Noong Marso 24 lamang ay 10 baril at mga bala umano ang nasamsam din sa isang sugar mill na pag-aari umano ni dating Gov. Teves.

BASAHIN: Pag-aari ni ex-Gov. Teves? 10 baril, mga bala nasamsam sa ni-raid na sugar mill sa Negros Oriental

Sinabi naman ni ex-Gov. Teves na bagama’t siya ang presidente ng kompanya, 10% lang umano ang pag-aari niya rito at mayroon umano itong limang ibang incorporators.

Samantala, boluntaryo umanong isinuko ng nasabing dating gobernador ang ilang mga baril at bala sa pulisya noong Huwebes, isang araw matapos siyang maghain ng waiver sa Hall of Justice sa Dumaguete City na nagpapahintulot sa mga awtoridad na hanapin ang kaniyang telepono at mga bank account.

Si ex-Gov. Teves ay nakababatang kapatid ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na tinitingnan ng Department of Justice bilang isa sa mga mastermind sa pag-ambush kay Degamo.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Matatandaang nasawi si Degamo at walo pang sibilyan na nadamay matapos siyang pagbabarilin ng mga armadong indibidwal sa harap ng bahay nito habang siya ay nakikipag-usap sa ilang mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Previous Post

Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Next Post

Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief

Next Post
Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief

Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery -- PNP chief

Broom Broom Balita

  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
  • Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark
  • ‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals
  • Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers
  • Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

June 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

Para makatanggap din ng ayuda: Minors PWD, ipinasasama ni Lacuna sa listahan ng adult PWD

June 7, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.