Nagkaloob ng free Wi-Fi site ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Central Luzon sa Paombong Bulacan.
Ang libreng Wi-Fi site ay ininstall sa Sto. Niño Elementary School sa nasabing lugar.
Ayon sa DICT, ang inisyatiba ito ng gobyerno ay maaaring magamit ng mga estudyante na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
“Public schools and state universities and colleges (SUCs) are places that are of high priority for the rollout of free Wi-Fi sites,” anang DICT nitong Biyernes, Marso 31.
“[We] will continue to provide free internet connectivity for the benefit of every Filipino,” dagdag pa nito.
Sinabi ni DICT Undersecretary at Spokesperson Anna Mae Lamentillo noong Disyembre 2022 na ang nagtatrabaho ang ahensya para magtatag ng mga libreng Wi-Fi sites sa bansa, lalo na sa mga liblib na lugar.
Ibinunyag din ni Lamentillo na nilalayon nilang magkaloob ng hindi bababa sa 15,834 na Wi-Fi sites sa buong kapuluan sa 2023, na inaasahan na humigit-kumulang 100,000 libreng Wi-Fi hotspot ang magiging operational sa bansa sa pagsapit ng 2025.
Charie Mae Abarca