• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Effort ni Andrea natalbugan ang gf proposal ni Ricci, naging ‘Best at Most Creative Promposal’ sa Star Magical Prom

Rhowen Del Rosario by Rhowen Del Rosario
March 31, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Effort ni Andrea natalbugan ang gf proposal ni Ricci, naging ‘Best at Most Creative Promposal’ sa Star Magical Prom

Larawan: PEP, Star Magic/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tunay ngang “hard to beat” ang naging effort sa promposal ng aktres na si Andrea Brillantes matapos makuha ang “Best at Most Creative Promposal” sa naging Star Magical Prom.

Matatandaang naging usap-usapan ang naging promposal nito dahil mismong ang mga miyembro ng K-pop superstars na BLACKPINK ang tumulong sa pagpatupad ng promposal sa kaniyang boyfriend na si Ricci Rivero para sa paparating na Star Magical Prom.

Nag-viral ang mga video nang binasa ni Rosé ang banner na naglalaman ng mga salitang, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Nakangiting sumang-ayon si Ricci sabay halik sa noo ng aktres, na nagpadagundong sa Philippine Arena dahil sa kilig.

Sa ginanap na Star Magical Prom, sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang nakakuha ng pinakamaraming awards sa kauna-unahang Star Magical Prom. Kabilang na dito ang Best Promposal 1st Runner up, Most Kilig Promposal, at Most Viewed Promposal.

Habang ang couple naman na si Andrea at Ricci ang nanalong Best Promposal, at nakuha rin nila ang Most Creative Promposal.

Samantalang sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang nakakuha ng Prom King at Prom Queen.

Narito ang listahan naging ng ABS CBN sa mga nanalo para sa kategoryang ‘Promposal’:

Most Viewed Promposal: Francine Diaz and Seth Fedelin

Most Creative Promposal: Andrea Brillantes and Ricci Rivero

Most Kilig Promposal: Seth Fedelin and Francine Diaz

Best Promposal 2nd runner-up: Jeremiah Lisbo and Kaori Oinuma

Best Promposal 1st runners-up: Seth Fedelin and Francine Diaz

Best Promposal Main Winner: Andrea Brillantes and Ricci Rivero

Tags: Andrea BrillantesRicci RiveroStar Magical Prom
Previous Post

Ogie Diaz, sinupalpal ang ‘pag-uugali’ ng ina ni Jake Zyrus: ‘Ang problema, may sinasagasaan kang tao’

Next Post

Youtuber MrBeast, nagbigay ng kotse bilang tip sa isang waitress

Next Post
Youtuber MrBeast, nagbigay ng kotse bilang tip sa isang waitress

Youtuber MrBeast, nagbigay ng kotse bilang tip sa isang waitress

Broom Broom Balita

  • Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi
  • Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
  • Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online
  • Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog
  • Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na
Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

June 9, 2023
Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 9, 2023
QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat

Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online

June 9, 2023
Grupo ng mga kababaihan sa PNP: Maging tagapagtanggol, ‘di salarin ng karahasan

Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog

June 9, 2023
Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

June 9, 2023
Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

June 9, 2023
Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

June 9, 2023
Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

June 9, 2023
Number coding scheme, suspendido sa Mayo 1

Number coding scheme, suspendido sa Hunyo 12

June 9, 2023
It’s Showtime, nagbabala vs talamak na fake audition message

It’s Showtime, nagbabala vs talamak na fake audition message

June 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.