• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 babaeng taga-Mindanao, kumubra ng kanilang milyun-milyong premyo sa PCSO

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
March 31, 2023
in Balita, National / Metro
0
2 babaeng taga-Mindanao, kumubra ng kanilang milyun-milyong premyo sa PCSO

Photos courtesy: PCSO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinubra na ng dalawang lotto winner mula sa Mindanao ang napanalunang milyun-milyong premyo sa dalawang lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa ulat ng PCSO nitong Biyernes, kinubra na noong Marso 13 ng lucky winner mula sa Bayugan, Agusan Del Sur ang Mega Lotto 6/45 jackpot prize na nagkakahalagang ₱12,171,239.80 na binola noong Marso 6 na may winning combination na 26-43-11-18-05-45.

Ayon sa babaeng milyonaryo, random lang niyang pinili ang winning combination nang tumaya siya sa isa sa mga lotto outlets sa Bayugan. Aniya, halos dalawang dekada na rin siyang tumataya sa lotto.

Halos hindi pa rin umano ito makapaniwala na sa wakas ay nanalo na rin siya.

“Sa ngayon po, ilalagak ko muna sa banko at pagiisipang mabuti kung paano ko magagamit ng tama ang napakalaking halaga pong ito na natanggap ko ngayon,” aniya nang matanong kung saan gagamitin ang napanalunan.

Nitong Marso 16 naman, kinubra na rin ng solo winner ng Grand Lotto 6/55 mula sa Davao City ang kaniyang premyo na nagkakahalagang ₱29,700,000 na binola noong Marso 11 na may winning combination na 45-29-12-03-26-51.

Ang Davaoeña ay halos 15 taon nang tumataya sa lotto. Ayon sa kaniya, palagi niyang pinipili ang Lucky Pick (LP), o random numbers na pinipili ng mismong system, kapag tumataya siya.

Nabanggit din niya na gagamitin niya sa pagbu-business at pagbili ng lupa ang napanalunan niya.

Ang GrandLotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 naman ay may draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Tags: Grand Lotto 6/55Megalotto 6/45
Previous Post

Number coding scheme, kanselado sa Abril 5

Next Post

Isa sa mga mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo, arestado ng NBI – Sec Remulla

Next Post
Remulla, naglatag ng P5M pabuya sa makapagtuturo sa mga sangkot sa pagpatay kay Degamo

Isa sa mga mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo, arestado ng NBI – Sec Remulla

Broom Broom Balita

  • Dating ‘Yorme’ Isko guest co-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers
  • PBBM, pinaalalahanan mga residente sa Albay na sumunod sa evacuation instructions ng LGU
  • Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’
  • 42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado
  • Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13
Dating ‘Yorme’ Isko guest co-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

Dating ‘Yorme’ Isko guest co-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

June 10, 2023
PBBM, hinikayat mga Cebuano na patuloy na tumulong gov’t sa nation-building

PBBM, pinaalalahanan mga residente sa Albay na sumunod sa evacuation instructions ng LGU

June 10, 2023
Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’

Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’

June 10, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado

June 10, 2023
Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

June 10, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.