Inayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng bagyong ‘Paeng’ sa Cagayan noong 2022.
Sa anunsyo ng DSWD-Field Office Region, nasa 43 pamilya ang tumanggap na ng tig-₱23,450 na mula sa Emergency Shelter Assistance (₱10,000), Cash-For-Work (₱4,000), at Emergency Cash Transfer programs (₱9,450).
Ayon sa ahensya, totally-damaged ang bahay ng mga benepisyaryo na pawang residente ng Barangay Mungo, Tuao, Cagayan.
Pinangunahan ni DSWD Field Office II director Lucia Suyu-Alan ang pamamahagi ng financial assistance distribution sa nasabing lugar.
Nauna nang inihayag ng DSWD-Region 2 na naglaan sila ng ₱1,204,350 financial assistance para sa patuloy na pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo sa lalawigan noong Oktubre 2022.