Pinaigting pa ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng batas-trapiko matapos hulihin ang mga nagmomotorsiklong pumapasok sa bicycle lane sa Quezon City.
Nitong Huwebes, nag-operate ang mga enforcer ng LTO sa panulukan ng EDSA at Kamuning at tinutukan ang mga rider na nagpupumilit na gumamit ng bike lane.
Pasok sa Disregarding Traffic Signs (DTS) ang naging paglabag ng mga nagmomotorsiklo na may katumbas na multang ₱150.
Bukod dito, tiniketan din sila dahil sa Reckless Driving na may katumbas na multang aabot sa ₱1,000.
Idinahilan ng LTO, kabilang lamang ito sa paraan ng pagdidisiplina sa mga nagmomotorsiklo at upang maiwasan din ang aksidente.
Noel Pabalate