• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
March 30, 2023
in Balita, Food, Lifestyle
0
Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists

Mga larawan: Judy Ann, Philippine Association of Food Technologists - Alpha Chapter, Jingle Marcial/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos mag-trending ngayon ang bagong pakulong grilled balut, may ilang netizens na nababahala dahil umano’y nakalalason ang ganitong paraan sa pagluto ng isang itlog.

Ayon lang ilang netizen, delikado kung masusunog ang shell ng kahit anong itlog— na isa sa halimbawa ay makikita sa pagluto ng grilled balut at hard-boiled egg na matagal na napakuluan.

Pagpapaliwanag ng umiikot na post online, ang pag-grill ng itlog ay naglalabas ng hydrogen sulfide (H2S), isang nakakalasong kemikal.

“The hydrogen sulphide originates in the whites of the eggs and the protein in the white contains sulphur that combines with the hydrogen to form a deadly gas. This hydrogen sulphide heads towards the inside of the eggs. As the outer shell of the egg gets hotter, the gas is forced towards the yolk,” bahagi ng post na nagpapaliwanag na delikado umano ang pagkain ng grilled balut.

“Overcooked eggs are toxic and can suffocate and poison people,” babala pa nito.

Larawan: Judy Ann/FB

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang food technology organization mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Association of Food Technologists – Alpha Chapter (PAFT-Alpha), tuwing niluluto ang mga itlog ay totoong naglalabas ito ng hydrogen sulfide ngunit “hindi ito sapat upang magdulot ng panganib sa kalusugan.”

Sinegundahan naman ng PAFT-Alpha ang nasabing post na totoong nakalalason ang hydrogen sulfide lalo na kung mataas ang lebel nito.

Giit pa ng food technologist organization, ang nabubuong hydrogen sulfide sa tuwing nagluluto ng itlog ay kalimitang kakaunti lamang at hindi makapagdudulot ng negatibong epekto sa kalusugan.

Naniniwala naman ang PAFT-Alpha na kumakalat na posts ay upang magbigay babala lamang at magbahagi ng kaalaman, ngunit dapat na tama ang impormasyon.

“Bagaman hangad lamang ng naturang post na magbahagi ng kaalaman patungkol sa panganib na kaugnay rito, naiba ang interpretasyon o nawala sa wastong konteksto ang ipinahayag na siyentipikong eksplanasyon,” pahayag ng PAFT-Alpha.

Tags: grilled balut
Previous Post

‘Kambal’ ni AJ Raval, pinatanggal

Next Post

Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Next Post
Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Broom Broom Balita

  • Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi
  • Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
  • Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online
  • Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog
  • Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na
Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

June 9, 2023
Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 9, 2023
QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat

Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online

June 9, 2023
Grupo ng mga kababaihan sa PNP: Maging tagapagtanggol, ‘di salarin ng karahasan

Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog

June 9, 2023
Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

June 9, 2023
Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

June 9, 2023
Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

June 9, 2023
Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

June 9, 2023
Number coding scheme, suspendido sa Mayo 1

Number coding scheme, suspendido sa Hunyo 12

June 9, 2023
It’s Showtime, nagbabala vs talamak na fake audition message

It’s Showtime, nagbabala vs talamak na fake audition message

June 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.