• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Graduating student sa Cavite, pinagsasaksak sa kaniyang dormitoryo, patay!

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 30, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Isang suspek sa Degamo-assassination case, patay sa engkwentro

(FLICKR / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang graduating student na babae ang natagpuang patay matapos umanong magtamo ng mga saksak habang nasa loob ng kaniyang dormitory room sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes, Marso 28.

Kinilala ang biktimang si Reyna Leanne Daguinsin, 24-anyos at isang Computer Science student sa De La Salle University–Dasmariñas (DLSU-D).

Sa panayam ng Manila Bulletin kay Dasmariñas City Police Station (CPS) acting Chief Lt. Col. Juan Oruga Jr. nitong Huwebes, Marso 30, ibinahagi nitong hindi nakita ng staff ng dormitoryo ang biktima na lumabas ng kaniyang silid buong araw noong Marso 28.

Dahil dito, naisip umano nilang nag-o-online class lamang ito sa kanilang silid o kaya naman ay umalis na patungong eskwelahan.

“Tumawag na nga po ‘yung pamilya na hindi rin nasagot sa tawag, kaya po na-alarma siya, kaya ginawan po nila nang paraan na makita ang loob ng kanyang kuwarto,” ani Oruga.

Ayon sa autopsy report, nagtamo ang biktima ng 14 na saksak.

Ibinahagi naman ng pulisya na walang indikasyon ng panggagahasa. Tinitingnan din ng mga awtoridad na pagnanakaw ang posibleng motibo sa krimen.

Sa kuha ng CCTV ay makikita umano ang isang lalaking naglalakad palayo sa dormitoryo na may hawak na isang bagay na hindi pa nakikilala.

Samantala, naglabas naman na ng opisyal na pahayag si DLSU-D President Br. Francisco “Sockie” de la Rosa VI FSC nitong Miyerkules, Marso 29, hinggil dito at sinabing nakikipagtulungan na sila sa pamilya ni Daguinsin at mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang biktima.

No photo description available.
Courtesy: Br. Sockie FSC/FB

Makikipagtulungan din umano ang unibersidad sa lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga dormitoryong malapit sa campus.

Nakatakdang magsagawa ng Prayer Vigil for Justice ang komunidad ng DLSU-D nitong Huwebes bandang 5:00 ng hapon sa harap ng campus upang mag-alay ng panalangin at umapela ng hustisya para kay Daguinsin.

Naglagay naman umano ang Dasmariñas CPS ng police checkpoints sa loob ng lungsod at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para magtalaga ng karagdagang mga patroller para sa mas pinaigting na seguridad.

Carla Bauto Deña

Previous Post

OG heartthrobs ng Star Magic, nag-reunion; netizens, may napansin kay John Lloyd

Next Post

‘Pouty lips yarn?’ Litrato ni Macoy Dubs sa driver’s license, kinaaliwan

Next Post
‘Pouty lips yarn?’ Litrato ni Macoy Dubs sa driver’s license, kinaaliwan

'Pouty lips yarn?' Litrato ni Macoy Dubs sa driver's license, kinaaliwan

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.