• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu

Balita Online by Balita Online
March 30, 2023
in Balita, Probinsya
0
Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu

Larawan mula sa kuha ng Cebu Provincial Information Office.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nahaharap na ngayon sa kasong graft ang ilang opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) kaugnay sa umano’y pagbale-wala sa kautusan ni Cebu Governor Gwen Garcia na itigil ang pagpatay sa mga baboy sa ilang lugar sa lalawigan na apektado ng African swine fever (ASF).

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 7610 (Local Government Code of 1991) at Article 19, 20, at 21 ng New Civil Code sina BAI directoer Paul Limson, BAI deputy program director Samuel Joseph Castro, BAI coordinator on ASF Joshua Cruz, Dr. Miriam Lopez Vito, ng Regional Veterinary Quarantine Station, at Dr. Daniel Ventura,Jr., coordinator sa ASF ng Department of Agriculture (DA)-Region 7.

Sa affidavit of complaint ni Garcia na isinampa ng dalawang abogado ng Provincial Legal Office na sina Neil Ediza at Isis Capangpangan sa anti-graft agency sa Visayas, umapela ito parusahan ang mga nasabing opisyal dahil umano sa hindi pagsunod sa kanyang direktiba na itigil muna ang pagpatay sa mga baboy sa mga lugar na apektado ng sakit.

Sa kanyang reklamo, binanggit ni Garcia na inanunsyo ng BAI na lumaganap na ang ASF sa Cebu kaya kailangan umanong patayin ang mga baboy na sakop ng 500 metro mula sa mga lugar na apektado ng sakit.

Ayon sa gobernador, nabigo ang BAI na magsagawa ng differential diagnosis upang madetermina sana kung ASF ang nakahawa sa mga lugar sa Carcar, at hindi ibang virus.

“BAI ruled to indiscriminately cull all pigs within 500 meters from the affected area. Worse, the agency did not verify as to where the samples, which allegedly tested positive, came from. They merely alleged that the blood samples were obtained from a slaughterhouse in Carcar in line with the regular ASF surveillance,” ani Garcia.

Malaki aniya ang nalugi sa mga magbababoy sa Barangay Can-asujan, Carcar matapos patayin ang mga alagang baboy na pinaghihinalaang tinamaan ng ASF.

“Despite my orders, BAI personnel continued to implement their culling and zoning map police to the prejudice of the hog raisers not only in the City of Carcar, but in the whole province of Cebu,” sabi pa ng gobernador.

Calvin Cordova

Previous Post

Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder

Next Post

Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot

Next Post
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot

Broom Broom Balita

  • Taga-Makati, wagi ng ₱8.9M sa Mega Lotto 6/45
  • DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano
  • ‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart
  • Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3
  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Taga-Makati, wagi ng ₱8.9M sa Mega Lotto 6/45

June 8, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano

June 8, 2023
‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

June 8, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

June 8, 2023
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.