• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

₱4B halaga ng ‘shabu,’ nasamsam sa Baguio City

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
March 29, 2023
in Balita, Probinsya
0
₱4B halaga ng ‘shabu,’ nasamsam sa Baguio City
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY — Narekober ng Regional at City Drug Enforcement Unit ng Police Regional Police Office-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency ang hindi bababa sa ₱4 bilyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang search warrant operation sa Purok 4, Brgy. Irisan, Baguio City nitong Miyerkules, Marso 29.

Isang Chinese national na nagngangalang Ming Hui, alyas ‘Tan,’ ang nadatnan ng mga operatiba sa pangunguna ni Lt. Col. Dinky Del-Ong, hepe ng RDEU, matapos pasukin ang kaniyang bahay dakong alas-8 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ni Exec. Judge Rufus Gayo Malecdan, Jr. ng Regional Trial Court, Baguio City.

Narekober sa Chinese national ang mahigit 500 piraso ng sealed tea bag na may Chinese markings na naglalaman ng tig-isang kilo ng pinaghihinalaang shabu. 

Agad ding nagtungo si DILG Secretary Benhur Abalos kasama si PDEA Director Virgilio Lazo upang personal na makita ang nadiskubreng pinakamalaking imbakan ng shabu” sa siyudad. 

“Ito ay more or less 575 kilos na iligal na droga na may halagang ₱4 bilyon, nagtataka siguro kayo kung bakit nandito ang mga kapulisan ng National Capital Region, because this is a continuing operation, kaya ang accomplishment na ito ay sanib-puwersa ng ating kampanya sa war on drugs ng ating pamahalaan,” pahayag ni Abalos.

Panawagan nito sa mga taga-Cordillera, “Huwag po kayong mabigla dahil ito ay nakaimbak dito, hindi na naman ito distribution only for Cordillera or for Baguio City. Maaaring ginamit lamang na imbakan dito at maaaring ikalat sa iba’t ibang lugar, kaya sa nangyaring ito ay apektado ang buong bansa dito.”

Napag-alaman na mahigit tatlong buwan nang minamanmanan ang nasabing bahay na inupahan lamang para gawing imbakan umano ng droga.

Ayon pa kay Abalos, malaki ang kanilang paniniwala na ang nakuhang droga sa Baguio ay posibleng parte ng nadiskubreng 900 kilong shabu kamakailan sa Metro Manila dahil pareho lamang ang markings o pinaglagyan nito.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Benjamin Magalong sa kapulisan sa agarang pagkakadiskubre ng imbakan ng iligal na droga. 

“I would like to thank our PNP, PDEA, NBI dahil sa kanilang koordinasyon ay agad nilang natunton ang malaking imbakan na ito sa ating siyudad.”

Tags: baguio city
Previous Post

Guro sa Koronadal City, naging ‘part-time teacher, full-time babysitter’ ng fur babies

Next Post

Lacuna: Gulo sa clearing operations sa pagitan ng MMDA at Manila, naresolba na!

Next Post
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

Lacuna: Gulo sa clearing operations sa pagitan ng MMDA at Manila, naresolba na!

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.