• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Morissette, wala raw binatbat sa ‘legendary’ anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco

Richard de Leon by Richard de Leon
April 15, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Morissette, wala raw binatbat sa ‘legendary’ anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco

Raquel Pempengco, David Foster, Charice/jake Zyrus, at Morissette Amon (Larawan mula sa balita/FB/YT Channel)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang “real talk” ni Raquel Pempengco, ina ni Jake Zyrus na unang sumikat hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo bilang si “Charice Pempengco,” matapos mapanood ang concert ng international singer-composer na si David Foster, kung saan tampok si Asia’s Phoenix Morissette Amon.

Ayon sa Facebook post ni Mommy Raquel, “nothing compares” ang boses ng anak sa kahit na sinong singer sa Pilipinas na kakanta sa songs ni Foster.

“Talagang wala pa ring ipapalit sa alaska (isang brand ng gatas), ” ani Mommy Raquel.

“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF (David Foster)… sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag-iisa lang ang boses na ‘yan. Kahit kanino mo pa ipakanta ‘yang song mo… Di mabibigyan ng hustisya.”

Bagama’t walang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizen na si Mori ang tinutukoy ng nanay ni Jake, dahil isa ito sa mga special guest ni David sa naging concert niya. Kinanta ni Asia’s Phoenix ang “I Will Always Love You” na iconic song ni Whitney Houston, subalit hindi kagaya sa bersyon ni Charice noon, hindi nag-standing ovation ang Canadian singer-composer.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/25/panourin-kaloka-morissette-amon-naghalimaw-sa-concert-ni-david-foster/

NO GOOSEBUMPs… NO STANDING OVATION… Nothing compares… Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco.”

Screengrab mula sa FB ni Raquel Pempengco

Paglilinaw rin ni Raquel, hindi si David ang nagbigay ng malaking break kay Charice kundi ang TV host-influencer na Oprah Winfrey.

Matatandaang nabalitang inetsa-puwera daw ni David si Jake nang makiusap itong bigyan siya ng raket o isama sa concerts niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Morissette tungkol dito. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi na mahanap ang Facebook account ni Mommy Raquel.

Tags: Charice PempengcoDavid FosterJake ZyrusMorissette AmonRaquel Pempengco
Previous Post

Kiko Pangilinan sa mga tagasuporta: ‘We will not give up the fight’

Next Post

Daryl Ong, inalala ang pumanaw na ina sa mismong araw ng kaniyang kaarawan

Next Post
Daryl Ong, inalala ang pumanaw na ina sa mismong araw ng kaniyang kaarawan

Daryl Ong, inalala ang pumanaw na ina sa mismong araw ng kaniyang kaarawan

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.