• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 28, 2023
in Balita, World
0
Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo

via AFP

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang malaking tore ng abo ang ibinuga ng Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia matapos ito sumabog nang apat na beses nitong Martes, Marso 28.

Sa ulat ng Agence France Presse, nagpadala ang nasabing sunud-sunod na pagsabog ng malalaking usok at abo 1,500 metro mula sa itaas ng bunganga ng bulkan. 

“This is part of an eruption phase associated with the formation of a new body for the volcano,” saad ng opisyal ng Centre of Volcanology and Geological Hazard Mitigation na si  Oktory Prambada sa AFP.

Bahagyang gumuho ang bunganga ng Bulkang Anak Krakatoa taong 2018 nang magkaroon ito ng isang malaking pagsabog na siyang nagdala ng malalaking tipak ng bulkan sa karagatan at nagdulot ng tsunami na naging dahilan ng pagkasawi ng 400 katao at ikinasugat ng libu-libo.

Sa ngayon ay wala pa naman umanong naulat na pinsala o nasugatan ng nangyaring pagsabog.

Ibinahagi rin ni Prambada sa AFP na nananatili ang alert status ng bulkan sa pangalawang pinakamataas na alert level.

Pinagbabawal pa ring lumapit sa limang kilometrong layo mula sa bunganga ng bulkan.

Ang bansang Indonesia ay matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire” at mayroong halos 130 aktibong mga bulkan.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, sumabog din ang Bulkang Ili Lewotolok  at nagbuga ng usok at abo.

BASAHIN: Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo

Previous Post

Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init

Next Post

Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City

Next Post
Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City

Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng 'shabu' sa Angeles City

Broom Broom Balita

  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
  • Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax
  • ‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR
  • ‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.