• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 27, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador

Ogie Diaz via Facebook (kaliwa); Rendon Labador via Facebook (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Habang kaliwa’t kanan ang tinatamong pambabatikos ng nagpakilalang motivational speaker at online personality na si Rendon Labador sa isyu nito laban kay Coco Martin, naniniwala naman gayunpaman ang talent manager na si Ogie Diaz na matalinong tao ito.

Ito ay matapos maging usapan sa Showbiz Update segment ang naging litanya nito sa social media kamakailan matapos personalin na umano ng fans ng aktor dahilan para sa hindi kaaya-ayang sales umano ng kaniyang negosyo.

Basahin: Fans ni Coco, palamunin? Rendon, ibinahagi ‘Sunday realization’ kung bakit flopsina ang event – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Naku, Mama Loi, baka ginagamit lang niya so Coco Martin para ma-curious dun sa bar niya,” hirit ni Mrena.

Depensa ni Ogie: “Ako ha, naniniwala akong matalino si Rendon. Parang ganito ang kaniyang anggulo to promote ‘yung business niya.”

Naniniwala rin ang talent manager na istilo lang umano nito ang kaniyang imahe online para lalong tangkilikin o sundan ng mga tao.

“‘Di lang naman siguro siya ang nag-iinvite. Marami naman siguro siyang mga friends at mga business partners din siya na guests noong araw na ‘yun,” paggatong ni Mama Loi.

Samantala, nauna nang napabalita nitong Lunes na nagsara na agad ang kabubukas lang na bar ng online personality.

Basahin: ‘Simbilis ng weekend’: Bagong bukas na resto ni Rendon, isinara – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod namang naungkat nga ang patuloy na pagtira ni Rendon laban sa “Ang Batang Quiapo” star.

“Ito naman si Coco Martin, hindi naman pumapatol masyado. Parang bising-bisi masyado si Coco para patulan pa o sagutin pa ‘yung mga hanash ni Labador,” sey ni Ogie.

Paghirit muli ni Mrena, ‘di kaya’y ginagamit nga lang ni Rendon ang Kapamilya star para sa personal na mga benepisyo?

“Pwedeng ganon nga. Pero ‘di natin alam kung ano rin ang laman ng puso ni Labador o kung ano naman ang laman ng utak,” pagpapatuloy na gatong ng talent manager na napansin din ang aktibong pamba-bash sa online personality na tila hindi naman binubura o tinatanggal sa kaniyang verified page.

“Siguro ini-enjoy din lang niya ‘yun. Siguro ‘yung engagement ng mga tao sa kaniyang mga post ay natutuwa siya,” ani Ogie.

Prangka niyang sunod na sabi: “Kung ako manager ni Coco ah. I will not let Coco talk about this nor dignify this issue by giving comment sa mga post ni Rendon.”

Sa huli, sinabi naman nina Mama Loi at Ogie na hindi anila mapagtanim ng sama ng loob si Coco gayunpaman.

“Si Coco magagalit lang talaga ‘yun, ‘pag sinasadya mo talagang galitin siya at ipisikal siya,” anang talent manager.

Tags: coco martinOgie DiazRendon Labador
Previous Post

Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case

Next Post

Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers

Next Post
Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers

Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers

Broom Broom Balita

  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
  • Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark
  • ‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals
  • Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers
  • Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

June 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

Para makatanggap din ng ayuda: Minors PWD, ipinasasama ni Lacuna sa listahan ng adult PWD

June 7, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.