• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 27, 2023
in Balita, National
0
Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case

(PHOTO COURTESY: BENHUR ABALOS FACEBOOK PAGE VIA MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. nitong Lunes, Marso 27, na malakas ang ebinsyang hawak nila laban sa umano’y mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

Nasawi si Degamo at walo pang sibilyan na nadamay matapos siyang pagbabarilin ng mga armadong indibidwal sa harap ng bahay nito habang siya ay nakikipag-usap sa ilang mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Ayon kay Abalos, halos lahat sa mga suspek sa likod ng nasabing ambush ay hawak na ng mga awtoridad.

“Just so, baka mamaya sabihin niya everyone is deemed innocent until his guilt is proven but right now this is what I assure him or kung sino man ang mastermind nito: malakas na ang aming ebidensya ngayon,’’ saad ni Abalos.

Binanggit din ng DILG secretary na bukod sa testionya ng mga suspek, hawak na rin umano ng mga awtoridad ang ibang ebidensya tulad ng firearms, ammunition, at explosive devices.

“Yung mga ebidensya, ‘yan nasa harap ninyo, napakarami at hindi pa ‘yan. Hindi lang namin dinala dito yung IED, ano ba yung IED. Sa ating mga kababayan ito ay improvised explosive
device. ‘Yung talagang sumasabog na puwede mo gamitin yung cellphone mo,’’ ani Abalos.

Ipinakita rin umano ni Abalos ang mga larawan at video ng backhoe na naghuhukay sa compound ng dating gobernador na si Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, kung saan umano natuklasan ang ilang mga ebidensya. Ang mga nasabing larawan at video ay upang iwaksi umano ang maaaring paratang na “planted” lamang ang mga animo’y nasamsam na ebidensya. 

“These are overwhelming evidence by themselves so I am asking the mastermind, huwag mo na parusahan pa sarili mo. Sumuko ka na at sa iba pang nakakaalam rito. He is a devil,’’ saad ni Abalos.

Nito lamang ding Lunes ay isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isa si 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Ipinahayag naman ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Cong. Teves Jr. na hindi na sila nasurpresa sa sinabi ni Remulla at nanawagang itigil na ang “trial by publicity”.

BASAHIN: Abogado ni Teves sa tinitingnang ‘mastermind’ sa Degamo-slay case: ‘We are not surprised’

Previous Post

Certified trending! ‘BarDa’ tampok sa MV ng ‘The Way You Look At Me’ Ben&Ben version

Next Post

Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador

Next Post
Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador

Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador

Broom Broom Balita

  • ‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
  • Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud
  • Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag
  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.