• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

384k halaga ng shabu, bistado; 6 na drug suspect, timbog

Liezle Basa by Liezle Basa
March 27, 2023
in Balita, Probinsya
0
QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat

Unsplash

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

CABANATUAN CITY — Nahuli ng pulisya sa lalawigang ito ang P384,000.00 halaga ng iligal na droga, at inaresto ang umano’y anim na tulak sa magkahiwalay na operasyon laban sa droga mula Sabado hanggang Linggo.

Sinabi ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director, Nueva Ecija Provincial Police Office, na si alyas John, 40, ay nasakote sa inilunsad na drug bust operation ng mga otoridad sa Brgy. San Roque, Gapan City.

Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 56 gramo ng hinihinalang shabu na may estimate Dangerous Drug Board value na P380,000.00 kabilang ang P1,000 bill marked money, at siyam na P1,000 bill boodle money.

Samantala, arestado rin ang umano’y lider ng Martinez Criminal Group na si alias Raymund sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Humigit-kumulang 0.3 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang DDB value na P2,040, Cal .38 Revolver na may apat na bala, at P500 bill buy-bust money ang nasamsam sa suspek sa operasyon.

Apat na iba pang mga suspek ang nakorner ng mga awtoridad na may apat na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 0.27 gramo ng shabu.

Lahat ng mga naarestong suspek, nasa kustodiya na ngayon ng operating units, ay sasampahan ng kasong Paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Tags: buy-bust operationcabanatuan cityDrug suspect
Previous Post

Lumaki raw bigla ang bogelya ni Zeinab Harake? Vlogger, sinagot ang asyumerang netizen

Next Post

Sandara Park, in-relationship na nga ba kay G-Dragon?

Next Post
Sandara Park, in-relationship na nga ba kay G-Dragon?

Sandara Park, in-relationship na nga ba kay G-Dragon?

Broom Broom Balita

  • Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’
  • Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu
  • Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes
  • RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo
  • ‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!
Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

May 31, 2023
Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

May 31, 2023
Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

May 31, 2023
RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

May 31, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!

May 31, 2023
Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

May 31, 2023
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.